Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

TRENDING na naman sa social media ang TV host-vlogger at Binibining Pilipinas candidate na si Herlene Budol.

Marami kasi sa mga netizens ang nakakapansin na hindi nagtutugma ang ilang mga sinasabi nito sa isa sa mga posts nito sa social media kahapon, May 26.

“Ang mga babae, maganda man o hindi nirerespeto yan!” saad ni Herlene sa kanyang post.

Ang sumunod na pahayag nito ang ikinagulat ng mga netizens dahil nga magkaiba ang pinupunto ng mensahe ng dalaga.

“Aanhin mo pa ang babaeng sexy at maganda kung halos lahat ng lalake nag planking na sa kanya,” sey pa ni Herlene.

Kaya naman hindi na rin nagpatumpik-tumpik ang madlang pipol at tinawag na rin ang pansin ng dalaga lalo na at kasali ito sa isang beauty pageant na nagpo-promote ng women empowerment.

 

 

“Sana nag-‘Time is gold’ ka na lang,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “May potential ka sana, sabihin na naten you’re just being yourself sa soc med mo pero sa national pageantry may standards tayo. Tabi mo muna kalat mo mhie… to gain your points especially soc med could influence a lot HAHAHAHA parang pang Ms Gay yung caption mo.”

“Not against Ate hipon, but for me, since public figure po kayo maybe you should be careful sa mga words na ginagamit nyo. If im not mistaken advocate ka sa women empowerment so dapat nirerespeto mo ang mga babae no matter if she’s virgin or not,” hirit pa ng isa.

Dagdag pa ng isa, “I love the duality.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Herlene ukol dito pero nag-upload ito ng video ng kanyang sample rampa na hindi pa niya sinasabi kung ano ang itatawag niya.

“Mga Hiponatics, eto yung basic rampa ni Hipon girl nyo. Malapit ko na i-reveal ang pangalan ng signature walk ko!!” sey ng dalaga.

Related Chika:
Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Read more...