SIGURO naman ay matitigil na ang chikang lilipat na si Vice Ganda sa GMA-7.
Nakita kasi itong kasama ang ang ABS-CBN head na si Cory Vidanes nang umapir ito sa lamay ng namayapang si Ms. Susan Roces.
Everyday pa rin namang nakikita si Vice Ganda sa “It’s Showtime” at walang nagbago sa kanyang pagho-host. Kung meron man, hindi niya ito itatago.
Kumalat ang chikang lilipat na si Vice Ganda sa siyete matapos makita itong nakikipag-usap kay Direk Bobet Vidanes na identified ngayon sa siyete.
Mas lalo pang lumakas ang speculation na lilipat na nga si Vice Ganda sa GMA-7 nang hindi ito umapir sa birthday party ni Cory Vidanes.
Sa isang episode ng “Showbiz Update” YouTube channel ay diniscuss nina Ogie Diaz at Mama Loi ang issue kay Vice Ganda.
“Ganito lang ‘yan kung si Vice wala pang pinipirmahang kontrata sa ABS-CBN ibig sabihin malaya siyang tumanggap ng kahit ano,” sey ni Ogie.
“Ang hindi natin alam ay kung si Vice Ganda ay may kontrata sa “It’s Showtime” or isa lang ‘yun na naka-incorporate sa network contract. O, basta, alamin na lang natin ‘yan at malamang may announcement,” dagdag pa niya.
***
Para kay Jonathan Manalo, ang biggest niya ay ang “Pinoy Big Brother” theme song “Pinoy Ako”.
“Kasi ‘yung “Pinoy Ako”, naging anthem na siya, eh. Kahit hindi sa PBB, nagagamit na siya sa Sea Games, every time na may Pinoy pride. Saka kinakanta ng lahat ng ages, kahit ng foreigners, aware sila sa song,” say ni Jonathan sa solo press conference niya to beef up interest in a concert in October to mark his 20th anniversary in the songwriting business.
“May theme na kasi ang Big Brother na international franchise, kaya lang hindi siya masyadong akma para sa atin. Sabi ni direk Lauren, mag-localize tayo. Kailangang makuha natin ‘yung flavor ng Pinoy,” chika niya.
Naniniwala si Jonathan na Pinoy na Pinoy ang theme song ng “PBB”, ibang-iba sa international franchise.
“Mas naka-focus sa values ng mga Filipino, mas family-oriented, mas nationalistic, mas may pagmamahal sa bayan, sa pamilya. Doon na nabuo ang lyrics, kung paano tayo magkakaiba pero nagkakaisa,” say niya.
Ang “Tara Tena” naman ang best representation niya bilang manunulat ng kanta.
“That’s my first song. Ako, hindi sa akin nawawala ang passion, ‘yung energy ng pagiging kabataan. ‘Yung ‘Tara Tena’ perfectly encapsulates ‘yung passion ko for my craft and at the same time ‘yung concern ko sa maraming bagay.
“Mahal ko ang bayan natin. ‘Yung ‘Tara Tena’ is speaking about that, kung paano magiging involved ang kabataan sa pagbabagong kailangan natin. Hangang ngayon, hindi nagbabago ang heart ko. Kung ano ang sinasabi ng kantang iyon, iyon pa rin ako.”
Kasama sa bonggang celebration ni Jonathan ng kanyang 20th anniversary sa music industry ang pagkakaroon ng all-start 20th anniversary double album, a musical called “Lyric & Beat,” at special collaboration project kasama ang missionary visual na si Kristine Lim.
Related Chika:
Kumpirmado! May iba pang big stars na lilipat sa GMA mula sa ibang TV network
Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?