NAGLABAS ang singer-actress na si Toni Gonzaga ng kanyang sariling cover ng kantang “Roar” ilang oras matapos ang naging proklamasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 na presidente ng bansa.
Napapanood ang studio cover ng singer-actress sa kanta ni Katy Pery sa kanyang Youtube channel.
Matatandaang isa ang kantang “Roar” sa mga kantang inawit ni Toni sa tuwing sasama ito sa campaign sorties ng UniTeam na pinangungunahan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio na tumakbo bilang presidente at bise-presidente sa nagdaang eleksyon.
Marami na ang bumatikos sa naging live performance ng singer-actress habang inaawit ang kanta nguniy deadma lang ito sa mga bashers.
Tinagurian kasing “tigre” ng Norte si Bongbong kaya naman inalay ni Toni ang kantang ito sa pinakabagong presidente ng bansa.
Nagbunga naman ang mga pagtitiis ng asawa ni Dorek Paul mula sa pangnenega ng mga bashers dahil nanalo ang manalo nito at sa katunayan ay personal pa nilang nasaksihan mag-asawa ang proklamasyon ng Kongreso sa kanilang ninong sa kasal na ginanap sa Plenary Hall ng Batasan Pambansa.
Binansagan naman ng mga BBM supporters ang kantang “Roar” bilang kanilang “victory song”.
“This song is the best for “VICTORY”. When I heared this song TAGUMPAY ng pagkakaisa ang laging nananaig. Kudos team UNITEAM and to you Ms. Toni,” comment ng isang netizen sa YouTube video ng singer-actress.
Saad naman ng isa, ““We love you Toni G. no matter what they say. Words can’t bring you down! Hehe.. Panalo tayo.”
“This can be her personal theme song sa dami ng pambabash at pambubully naranasan nya mula noon until now lalo na sa kasagsagan ng election 2022 dahil sa paninindigan nya. Para ito sa mga bashers nya and to her co-celebrities who tried to put her down. Toni is indeed the winner! God bless you more, Ms. Toni!” dagdag naman ng isa pang tagasuporta ng nakatatakdang kapatid ni Alex.
Related Chika:
Angeline Quinto malapit nang manganak: Can’t wait to see you anak
Maris feel na feel ang hit song ng Rivermaya: Safe ‘yung feeling ko kapag nandiyan si Rico
Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan