Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

VACATION mode ang mag-asawang sina presidential candidate at kasalukuyang senador na si Manny Pacquiao at si Jinkee Pacquiao matapos ang nagdaang eleksyon at pangangampanya.

Base sa kanilang mga nakalipas na Instagram stories at posts ay nasa Japan ang mag-asawa.

Sa naging Instagram post ni Jinkee noong May 19 ay ibinandera nito ang kanyang OOTD habang may hawak hawak itong maleta na tila ready to fly na.

Nang i-check namin ang presyo ng mga gamit ng asawa ni Pacman ay talaga namang nalula kami dahil sa sapatos pa lang nito na Dior Vibe sneakers sy nagkakahalaga nang $995 dollars o kulang kulang P52,000.

Ang Dior Book Tote na mukhang large ang size ay nagkakahalagang $3,500 o P182,000 habang ang luggage naman nito na collab ng Christian Dior at Rimowa ay nagkakahalagang $4,100 o P213,000.

Makikita rin sa Instagram post niya ang kanilang larawan ni Sen. Manny habang nasa Ginza Six na matatagpuan sa Tokyo, kabisera ng Japan.

Makikita rin sa post niya na dumalo ito sa “Manny Pacquiao Marathon 2022” sa Tochigi Wanpaku Park ng Manny Pacquiao Foundation.

Happy naman ang mga netizens na makitang ine-enjoy nina Jinkee at Pacman ang kanilang time together dahil na rin sa naging pagod dulot ng kaliwa’t kanang pangangampanya ng mga ito sa mga nagdaang linggo.

“Enjoy your Japan trip, Manny and Jinkee!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “My favorite couple. Super humble and sincere.”

Maski ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ay nag-comment sa isa sa mga Instagram posts ni Jinkee.

“Enjoy your vacation,” sabi ni Dra. Vicki.

Si Sen. Manny Pacquiao ay isa sa mga tumakbo sa pgkapresidente sa nagdaang halalan na ginanap noong May 9 kung saan pumangatlo siya sa mga nangungunang ibinoto ng mga Pilipino samantalang si presumptive president Bongbong Marcos naman ang nanguna sa botohan.

Related Chika:
Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

Jinkee Pacquiao pinagyayabang ang kayamanan?

#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz

Read more...