Jinkee Pacquiao pinagyayabang ang kayamanan? | Bandera

Jinkee Pacquiao pinagyayabang ang kayamanan?

| August 18,2009 - 04:44 PM

PABONGGAHAN talaga ang labanan ngayon ng mga surgi-centers. Padamihan sila ng mga celebrity endorsers – lalo na ang mortal na magkalabang Calayan at Belo. Ang latest addition sa mga endorsers ng klinika ni Dra. Vicki Belo ay ang milyonaryang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee. In fairness kay Jinkee, talagang sikat na rin siya tulad ni Pacman at ng ina nitong si Aling Dionisia.
Kaya nga ang balita namin, may iba pang mga kompanya ang interesadong kunin si Jinkee bilang image model. Nakakainggit nga sila, di ba? Ang dami-dami na nilang pera at lalo pa itong dumadami dahil nga sa kanilang mga endorsements, huh!
Napakasuwerte naman ng kompanya ni Dra. Belo dahil sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay marami pa ring nagtitiwala sa kanila. Imagine, kung anu-anong malilisyosong balita na ang ikinakabit sa Belo pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sila.

Anyway, going back to Jinkee, napanood ko sa Showbiz News Ngayon ang segment nila about Jinkee, ipinakita ng SNN ang laman ng mamahaling bag ng asawa ni Manny. My gosh! She must be worth P10 million that night! Ang bag niyang Hermes ay nagkakahalaga ng P500,000 to P3 million. Sosyal na sosyal ang bag ni Jinkee, kasing halaga na ito ng isang house and lot! May laman ding cold cash ang bag niya worth P200,000 at naka-bundle pa yan, ha! Bukod pa ‘yan sa kanyang dollars sa bag!
May mamahaling alahas din si Jinkee sa kanyang bag. Pero ang nakakatuwa lang sa babaeng ito, hindi siya nagmukhang offensive kahit ipinangangalandakan niya ang kayamanan niya dahil na rin siguro sa napakaraming karangalang naiuwi ng kanyang asawang si Manny para sa ating bansa. Hindi ako nainis sa kanya o naasiwa, cute lang ang dating.

Pero aminin natin, nakakalula talaga ang yaman ni Jinkee. Imagine, sa isang ordinaryong araw lang ay may dala-dala siyang P200,000 cash para raw kapag meron siyang nagustuhang bilin ay may madudukot siya agad. That’s how Jinkee is. Sarap kaibiganin ng babaeng ito at harbatan! Ha-hahaha! Joke!

Anyway, mukhang happy na naman daw si Jinkee sa buhay nila ngayon ni Manny at ng kanyang pamilya. Ganu’n! Diyos ko naman, sa dami ng pera niya, hindi pa ba siya magiging masaya niyan? Lahat ng gusto niya nakukuha niya, lahat ng luho niya kaya niyang gawin! Ano pa ba ang hahanapin niya, di ba?

Pero in fairness naman kay Jinkee, mabait naman daw na tao ito. Hindi naman daw siya ‘yung tipo na mayabang at matapobre dahil nga sobrang yaman na niya. Kahit paano raw ay nandu’n pa rin ang kanyang pagiging totoong tao at pagiging humble. Totoo ba ‘yan? Ha-hahaha! Inintriga ba talaga si Jinkee?

Hindi rin daw totoo ang tsismis na madalas mag-away sina Jinkee at Aling Dionesia dahil sa pera ni Manny, maayos na maayos daw ang relasyon nila ngayon at sana raw ay tigilan na ang pang-iintriga sa kanila dahil wala naman daw talaga silang away.
q q q

Back to work na ako siyempre sa radio program namin sa DZMM mamayang hapon. Kagabi pa kami dumating ni kafatid na Wendel Alvarez from Singapore. Hindi pa umabot ang kuwento namin sa aming nakaraang trip kaya one of these days ay magkukuwento kami sa inyo ng aming naging experience sa Singapore.

At para sa mga naka-miss sa amin sa radyo, tumutok lang kayo from 3 to 4 p.m. sa “Showbiz Mismo” at marami kaming ichichika sa inyo.
Our next trip will be this coming Nov. 5 at Shanghai naman ang next destination namin. Maraming salamat siyempre sa pinakamamahal naming nanay-nanayang si Mama Fely dela Cruz sa pagsasama niya sa amin sa kanilang bakasyon sa Singapore.
Napakabait kasi ni Mama Fely pati na ng kanyang asawa, kaya magtataka pa ba kayo kung bakit mahal namin ang mag-asawang ito? Ganu’n sila ka-generous at ang lahat ng isini-share nila sa amin ay walang kapalit!

 

Jobert Sucaldito, Bandera Entertainment, August 18, 2009