MEDYO na-conscious ang Kapamilya actress na si Lovi Poe nang magkadikit sila ng Kapamilya hearthrob na si Piolo Pascual.
Inamin naman ito ng anak ng yaong si Fernando Poe Jr. sa kanyang Instagram post kahapon, May 23.
“Ooops…na-conscious ata ako kay Papa P,” saad ni Lovi.
Ang naturang video kasi nila ay kuha habang kinukunan sila ng video para sa promotion ng teleseryeng “Flower Of Evil”.
Hindi naman nakalagpas ang funny IG post ng dalawa sa mga netizens at mga kaibigan mula sa industriya.
“Gusto ko yung gigil mo,” saad ni Janine Gutierrez na nakatambal rin ni Lovi sa isang proyekto.
Comment naman ng isang netizen, “Yes yes see you later na po can’t wait den na makita yung mga character. Ilysm (I love you so much) ate loves.”
Sey pa ng isa, “ay bagay kayo. Sana kayo na lang hihi.”
“Waiting Ako Dito!! I’ve watched the flower of evil and it is one of my fave Kdrama talaga!! So I’m curious kung how they will give justice to the characters and to the drama. Wish you luck po,” hirit naman ng isa.
Handang-handa na nga ang “Flower Of Evil” na magpasaya, magpakilig, at magpaluha ng madlang pipol na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.
Actually, isa itong Filipino adaptation na hango sa Korean series na may parehong titulo na pinagbidahan naman nina Lee Joon-Gi at Moon Chae-Won.
Ito rin ang kauna-unahang proyekto ni Lovi matapos niyang lumipat sa Kapamilya network noong Setyembre ng nakaraang taon.
Bagamat excited siya sa pagiging Kapamilya ay malaki pa rin ang pasasalamat nito sa GMA-7 na naging tahanan niya ng 15 years.
“I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories,” saad niya sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya, “Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.”
Related Chika:
Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!
Yassi Pressman rumesbak sa body shamers, umamin sa tunay na timbang: Love yourself!
Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father