Angeline ipinagtanggol ang tatay ni Baby Sylvio: Hindi niya ako pineperahan, ako yung namemera sa kanya | Bandera

Angeline ipinagtanggol ang tatay ni Baby Sylvio: Hindi niya ako pineperahan, ako yung namemera sa kanya

Ervin Santiago |May 23,2022
facebook
share this

Angeline ipinagtanggol ang tatay ni Baby Sylvio: Hindi niya ako pineperahan, ako yung namemera sa kanya

Ervin Santiago - May 23, 2022 - 07:38 AM

Nonrev Daquina at Angeline Quinto

SINAGOT na finally ni Angeline Quinto ang malisyosong tsismis na pera lang daw ang habol sa kanya ng tatay ng kanyang anak na si Nonrev Daquina.

Ipinagtanggol ng Kapamilya singer-actress si Nonrev sa mga bashers na nagsasabing ginagamit lang siya ng lalaki at hindi naman daw talaga siya mahal nito.

Sa isang Q&A vlog, magkasamang humarap ang live-in partners sa madlang pipol para sagutin ang ilang personal and intriguing questions mula sa mga netizens.

Mismong si Nonrev ang nagbasa ng tanong kay Angeline tungkol sa gamitan at panghuhuthot. Sey nito,
“Ako talaga yung pineperahan dito.”

Paliwanag naman ng biriterang singer, “Hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap.

“Magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” pag-amin ni Angeline.

“Nu’ng buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” ang chika pa ng first-time celebrity mom.

Paliwanag pa ni Angeline, give-and-take ang relasyon nila ng tatay ng kanyang anak at kahit kailan ay walang nag-take advantage sa bawat isa.

“Para lang malinaw sa inyo ha, hindi ako pineperahan nito. Ako pa yung namemera sa kanya. Bigayan naman kaming dalawa.

“Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilihin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera. Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin yun, bahala na siya,” sabi ng Kapamilya singer.

Sa isang bahagi ng vlog, inamin ni Nonrev na may apat na siyang anak, kabilang na ang anak nila ni Angeline na si Baby Sylvio. Ang tatlo niyang anak na babae ay mula sa dalawa niyang ex-girlfriend.

Ipakikilala raw niya si Baby Sylvio sa mga kapatid nito sa tamang panahon, “Siyempre. Very soon naman yun. Siyempre mas gusto ko kapag nakilala mo sila, makikilala din ni Sylvio yung mga ate niya.”

Isinalang ni Angeline ang panganay na anak last April 27. Ipinangalan nila ang bata sa yumaong adoptive mother ng singer na si Mama Bob na ang tunay na pangalan ay Sylvia Quinto na pumanaw noong November, 2020.

Sa isang panayam, nabanggit ni Angeline na wala pa silang balak magpakasal ni Nonrev para makapag-focus sila sa mga pangangailangan at kapakanan ng anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon na muna. Ngayon, ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” aniya pa.

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev

Angeline nahawa ng COVID sa taong nakasabay sa pagkain: Siguro napabayaan ko rin ang sarili ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending