ISA ang Kapamilya actress na si Lovi Poe sa mga kasalukuyang nagluluksa sa pagpanaw ng “Queen of Philippine movies” na si Susan Roces na asawa ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.
Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag niya ang kanyang pakikiramay sa naiwanang pamilya ng premyadong aktres.
“I write this post with a heavy heart. We’ve truly lost a gem and one of the beloved pillars in the industry. My love and prayers to Ate Grace and the whole family,” saad ni Lovi kalakip ang larawan ni Tita Susan.
Nag-comment naman ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian sa naturang post ng dalaga.
“Thank you. I’m sure Mama Susan would’ve appreciated your kind words,” pagpapasalamat ni Brian Poe Llamanzares sa pakikiramay ni Lovi.
Matatandaang nitong Biyernes ng gabi, Mayo 20 ay kinumpirma ni Senator ang pagkamatay ng kanyang inang si Susan Roces sa Instagram account nito.
“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.
“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” pagbabahagi ni Sen. Grace Poe.
Si Lovi ay anak ng asawa ni Tita Susan na si Fernando Poe Jr. sa dating aktres na si Rowena Moran.
Sa kabila nito ay nananatili namang maayos ang naging relasyon ni Lovi kina Tita Susan at Sen. Grace.
Related Chika:
Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father
Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa
Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!