Raffy Tulfo nanawagan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng ‘national day of mourning’ sa pagkawala ni Susan Roces

Raffy Tulfo nanawagan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng 'national day of mourning' sa pagkawala ni Susan Roces

NANAWAGAN ang broadcaster at senator-elect na si Raffy Tulfo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sana ay ideklara nito ang burial day ni Susan Roces bilang “national day of mourning”.

“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial,” saad ni Tulfo.

Sa kanyang pahayag na inilabas ngayong Sabado, ay nakiusap siya na sana ay kilalanin rin ito bilang isa sa mga national artists ng bansa.

“Rep. Jocelyn Tulfo (asawa ni Raffy Tulfo) will file a House Resolution next week extolling Ms. Susan Roces’ legacy and recommending her nomination for posthumous National Artist honors,” pagpapatuloy nito.

Matatandaang nitong Biyernes ng gabi, Mayo 20, ay kinumpirma ni Senator Grace Poe ang pagkamatay ng kanyang ina.

 

 

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness.

“She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” saad ng senadora sa kanyang Instagram post.

Nagpaabot rin ito ng mensahe ng pakikiramay kina Sen. Grace Poe at sa iba pang kapamilyang naiwan ng “Queen of the Philippine movies”.

“Few celebrity icons are as loved as Ms. Susan Roces. Hindi mawawaglit sa alaala naming mga taga-hanga niya ang kanyang ‘di mabilang na mga pelikula, programang pang-telebisyon, at patalastas,” dagdag pa ni Tulfo.

Tuluyan na ngang sinamahan ni Tita Susan sa kabilang buhay ang kanyang asawang si Fernando Poe Jr. sa edad nitong 80.

Huli naman siyang napanood sa Kapamilya TV adaptation na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang lola ng bidang si Cardo Dalisay na ginagampanan naman ng premyadong aktor na si Coco Martin.

Related Chika:
Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa

COC ni Raffy Tulfo sa pagkasenador pinakakansela ng nagpakilalang ‘legal wife’

Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces

Read more...