Andrea Brillantes deadma sa bashers: UAAP ang ang nasa utak ko the whole time!

Andrea Brillantes deadma sa bashers: UAAP ang ang nasa utak ko the whole time!

WALANG pakels si Andrea Brillantes sa mga bashers niya dahil hanggang ngayon ay nasa cloud nine ang pakiramdam niya dahil nanalo ang koponan ng UP Maroons sa UAAP pagkalipas ng 36 years na kinabibilangan ngayon ng boyfriend niyang si Ricci Rivero.

Huling season na kasi ni Ricci sa UP kaya pangarap daw nitong manalo ang fighting maroons bago siya umalis at nangyari nga kaya sobrang happy ang aktres.

Ito kasi ang topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena sa YouTube channel nila ngayong araw ang tungkol sa bashers ni Andrea na parang manhid na ang dalaga dahil halos araw-araw ay hindi siya nawawala sa news at social media.

“Hindi naman po sa manhid, it’s just that hindi lang po ako naaapektuhan sa kanila. Lalo na siyempre, parang more than 10 years na po ako sa industriya kaya sanay na sanay na ho ako.”

 

 

At ang dahilan kung bakit wala siyang pakels ay dahil ang atensyon nga niya ay sa huling laban ng UP Maroons sa Ateneo Blue Eagles.

“UAAP ang nasa utak ko the whole time! Iniisip ko talaga, gusto ko lang manalo ang UP. ‘Yun talaga ‘yung ini-stress ko ho.

“Ang saya ko, at siyempre masaya ako para sa boyfriend ko kasi before pa naging kami, nun’g nag-uusap pa lang kami, sinasabi na niya talaga, gusto niya lang is mag-champion. “Dahil last season na niya, gusto niyang mag-exit ng maganda. So, I’m very happy for him at natupad ‘yung gusto niya,” pagtatapat ng aktres.

At dahil tapos na ang laban kaya hindi nan aka-bubble sina Ricci at puwede na sila magkita ni Andrea na aminadong lalabas sila pag nagkita na sila.

Anyway, may bagong project ang aktres na hindi pa binanggit kung ano ito pero big project daw ito ayon sa taga-ABS-CBN kaya isa ring dahilan kaya dedma muna siya ay dahil masaya siya sa nangyayari sa career niya.

Related Chika:
Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Lolit Solis bugbog-sarado sa fans ni Andrea Brillantes: Nanindigan lang siya bilang Kakampink, karumal-dumal ba ‘yun?

Read more...