Julia handang ibigay ang matamis na ‘yes’ sakaling ayaing pakasalan ni Gerald

Julia handang ibigay ang matamis na 'yes' sakaling ayaing pakasalan ni Gerald
READY na ang aktres na si Julia Barretto na mag-settle down sakaling ayain na siya ng kanyang boyfriend at kapwa artista na si Gerald Anderson.

Ito ay inamin ng dalaga nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa isang episode ng YouTube show nitong “Who Are You When No One Is Watching” nitong Miyerkules, May 18.

Isa sa mga naging tanong ni Tito Boy kay Julia ay ang usapin ng pagpapakasal.

“Are you scared of the prospect that one of this years you’re going to get married?” curious na tanong ng King of Talk.

“I’m not scared,” sagot ni Julia.

Dagdag pa nito, “Marriage? Exciting. [I’m] curious.”

 

 

Kaya naman walang pag-aatubiling sinundan ni Tito Boy ang tanong kung anong gagawin ni Julia sakaling ayain na siya ni Gerald na lumagay sa tahimik.

“Hypothetical, one of these months, Ge (Gerald) asks you to marry him. Would you say yes?” diretsahang tanong ni Tito Boy.

Wala namang pag-aatubiling sumagot ng “yes” si Julia.

Noon pa man ay hayagan nang sinasabi ng dalaga na handa na itong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya kaya naman hindi na rin kataka-taka ang naging sagot niya sa mga tanong ni Tito Boy.

Sa katunayan, inamin na rin noon ni Julia na handa na siyang mag-quit sa showbiz para sa pamilyang matagal na rin niyang inaasam.

Sa naging panayam rin ay nabanggit ni Julia ang kagustuhan niyang magkaroon na ng anak sa kanyang edad.

“I think it also comes with my mom and I are the best of friends. That’s because our age difference is not so far apart,” Barretto told Abunda. “It’s just we’re so close and I think I just want to have that kind of relationship with my children as well,” sagot ng aktres.

Matatandaang March 2021 nang kumpirmahin ni Gerald sa kanyang exclusive interview kay Tito Boy ang relasyon nila ni Julia Barretto.

Related Chika:
Nio Tria aprub kaya sakaling ikasal inang si Cherry Pie kay Edu?

Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Tito Sen ibinuking ang ‘sikreto’ ni Bossing: Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic!

Read more...