Lola na may malalang kondisyon na nakiisa sa miting de avance ni VP Leni pumanaw na

Lola na may malalang kondisyon na nakiisa sa miting de avance ni VP Leni pumanaw na

NAMAYAPA na ang nag-trending na kakampink na si Lola Evelyn Nazareno nitong Lunes, Mayo 16, sa edad na 77.

Ito ay ibinahagi ng kanyang anak na si Pia Nazareno-Acevedo sa Facebook post nito kahapon.

Aniya, pumanaw si Lola Evelyn bandang 1:48 ng hapon nitong May 16 dahil sa sakit nitong cancer na nasa stage 4 na.

Matatandaang nag-viral si Lola Evelyn matapos itong mamataan sa naganap na Miting de Avance ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan noong Mayo 7 na ginanap sa Makati.

Bagamat batid nito na kritikal na ang kanyang kondisyon ay pinilit nito ang kanyang pamilya na dumalo sa Miting de Avance bilang hiling dahil nais nitong maging parte ng kasaysayan bago pa man ito pumanaw.

“She inspired many as she lived her life so clearly loving and serving the Lord through representing what is right, just and good for all,” saad ni Pia sa kanyang Facebook post.

Marami ang naantig sa ginawang pagtindig ni Lola Evelyn para sa pinaniniwalaan nito dahil isang malaking dagok para sa kanya ang lumabas at ma-expose sa nakakahawang sakit na COVID-19 pero hindi ito naging hadlang para sa kanyang kagustuhan na lumaban at manindigan para sa bayan.

Sa katunayan ay hindi rin nito pinalagpas ang kanyang karapatang bumoto noong Mayo 9.

Labis naman ang pasasalamat ng anak ni Lola Evelyn sa lahat ng mga tao na patuloy na nagdasal at nagparamdam ng pagmamahal sa kanilang ina.

“Our Superwoman Mom now looks upon us all!!! We have another great advocate for our nation’s hopes and dreams in Mommy! Thank you for all your love and prayers,” sey ni Pia.

Sa ngayon ay nakaburol si Lola Evelyn sa Chapel of the Resurrection ng Della Strada Parish.

Related Chika:
‘Kakampink’ miting de avance top trending topic sa Twitter; KathNiel sumugod sa rally

Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022

Willie hindi ‘pera-pera’ ang pagpunta sa UniTeam miting de avance; may panawagan sa mga ineendorsong kandidato

Read more...