GRETCHEN gustong makita si CLAUDINE sa kulungan
Wala pang pag-asang magkasundo sa ngayon ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto. Sa halip na medyo humupa na ang kanilang alitan ay mukhang mas titindi pa ‘yun ngayon dahil sa suportang ibinigay ni Gretchen sa ipinakulong na dating PA ni Claudine na si Dessa Patilan.
Hindi na basta duda lang, totoong si Gretchen nga ang nag-endorso kay Dessa sa malaking law office, ang Siguion-Reyna And Associates.
Pero ayon naman sa isang abogadong nainterbyu ng mga news reporters ay walang kabayarang tinanggap ang kanilang opisina mula kay Gretchen.
Ang dahilan diumano kaya nila tinanggap ang kaso ni Dessa Patilan nang pro-bono (walang bayad) ay ang merito ng kanyang salaysay tungkol sa ginawa sa kanya ni Claudine na ilang taon din nitong pinagserbisyuhan.
Natural, nang malaman ng partido ni Claudine ang pangyayari ay galit na galit ang aktres, sinasabi na nga raw ba at may kinalaman du’n si Gretchen dahil wala namang kapasidad si Dessa na kumuha ng ganu’n kalaking bopete ng mga abogado para ipagtanggol ito.
Pinagdududahan din ng kampo ni Claudine si Raymart Santiago na nakipagsabwatan diumano kay Gretchen para pagtulungan ang aktres, bagay na itinanggi naman ng kampo ng aktor, wala raw silang kinalaman sa asuntong isinampa ng dating personal assistant ni Claudine laban sa kanya.
Ang nakagugulat dito ay baka magsalita si Dessa Patilan tungkol sa pagkakakilala nito kay Claudine. ‘Yun ang nakaaalarma, biglang magkakaroon ng kakampi si Raymart, maraming kuwento ang magiging malinaw sa publiko tungkol kay Claudine Barretto. Nadagdagan na naman ang problema ni Claudine.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.