Litrato nina Barbie at Xian na kuha sa isang hotel nilagyan ng malisya: Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?! | Bandera

Litrato nina Barbie at Xian na kuha sa isang hotel nilagyan ng malisya: Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?!

Ervin Santiago |May 17,2022
facebook
share this

Litrato nina Barbie at Xian na kuha sa isang hotel nilagyan ng malisya: Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?!

Ervin Santiago - May 17, 2022 - 08:06 AM

Kim Chiu, Barbie Imperial at Xian Lim

KALOKA! Pati ang litrato nina Barbie Imperial at Xian Lim na magkasama na kuha sa isang hotel sa Davao Oriental ay nilagyan ng malisya ng ilang netizens.

Viral na ngayon ang nasabing photo na unang ipinost sa Facebook ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental nitong nagdaang Linggo, May 15. Kuha ang nasabing picture sa lobby ng nasabing hotel.

Ang sabi sa caption, “Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati (smiling, black heart emoji).”

May ilang netizens nga ang pabirong nagkomento sa pagsasama nina Barbie at Xian sa Davao at meron din namang nanukso at naglagay ng kulay sa photo nila together at may nag-tag pa sa girlfriend ng aktor na si Kim Chiu.

Narito ang ilang comments ng mga nakakita sa litrato ng dalawang celebrities.

“Xian lim ngiti nang tagumpay.”

“Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko – Kim Chiu tara kape.”

May isa pa ngang gumamit sa  birthday message ni Vice President Leni Robredo kay Kim, “Okay lang yan kim. I know you are in a good place now.”

Panunukso naman ng isa pang FB user, “Hotel as a friend.” Na obviously ay kinuha sa viral statement ni Paolo Contis tungkol sa pagpunta nila ni Yen Santos noon sa Baguio at matsismis na ang aktres daw ang dahilan kung bakit naghiwalay ang aktor at si LJ Reyes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)


Samantala, bago pa nga tuluyang maintriga sina Xian at Barbie, may ilang netizens ang nagpaliwanag kung bakit magkasama ang dalawa sa nasabing hotel.

Anila, nagkasama lang daw ang mga ito sa isang miting de avance ng ilang kandidatong tumakbo za nakaraang eleksyon. Nangyari raw ito sa Mati City noong May 7.

“Kaya sila magkasama sa Mati City kasi isa sila sa celebrity guest ng candidato doon. Dyan siguro sila nag sstay habang nasa Mati City haha,” paglilinaw ng isang FB user.

Ipinost din nito ang ilang litrato bilang resibo na trabaho lang ang ipinunta nina Xian at Barbie doon kaya huwag nang lagyan ng kung anu-anong kahulugan.

Pinatunayan din ito ng isa pang tagaroon, “FYI THEY WERE HERE SA MATI CITY FOR A SHOW SA MITING DE AVANCE HAYS PEOPLE LOVE CHISMIS KAAYO.”

Ito naman ang paglilinaw ng isa pang netizen, “Nag guesting sila sa isang Political Rally dito sa Mati City invited by Mayo Almario and his team, same hotel po sila ng pinagstayhan pero iba-ibang kwarto.

“Yung resting place po nila ay prepared by the people who invited them. Nandoon sila for work po. Wag tayong pala desisyon at gumawa ng issue na wala naman doon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Xian at Barbie hinggil sa isyung ito.

Relasyong Heaven-Kiko nilalagyan ng malisya, magdyowa na nga ba?

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

Vice Ganda nilibre ang ‘Showtime’ family, nagbigay ng P1k tip sa waiter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending