LOVI nag-iiyak sa simbahan, FPJ nagparamdam
PLAYGIRL? Hindi naman daw pwedeng ikabit ang salitang ‘yan kay Lovi Poe dahil super loyal siya kapag merong karelasyon. Hindi siya ‘yung tipo ng babaeng kahit meron nang dyowa ay nakikipag-flirt pa rin sa ibang lalaki.
Wala pa naman daw pagkakataon sa buhay niya na nanloko siya ng boyfriend, stick to one raw siya kapag nakipag-commit.
Natanong si Lovi tungkol dito dahil may kunek ‘yan sa tema ng pelikulang “Sana Dati”, isa sa mga entry sa nakaraang Cinemalaya na mapapanood na uli sa mga sinehan nationwide.
Makakasama niya rito sina Paulo Avelino, TJ Trinidad at Benjamin Alves sa direksiyon ni Jerrold Tarog under Quantum Films to be released by GMA Films and showing on Sept. 25.
Sey pa ni Lovi, “Kapag mahal mo talaga, kailangan siya lang, wala nang iba. Mahirap naman kasi ‘yung ganu’ng sitwasyon.”
Sa kuwento kasi ng “Sana Dati” na siyang nagwaging Best Picture sa Director’s Showcase Category ng 2013 Cinemalaya, thorn between two lovers ang role ni Lovi, pag-aagawan siya nina TJ at Benjamin.
May mangyayari kasi sa araw ng kasal nila ni TJ (isang politiko) dahil sa kagagawan ng videographer to be played by Paulo nga.
“Yes, complicated ang character ko rito, as in, magulo yung utak niya.
May nakaraan kasi siya na pilit niyang iniiwasan, pero hindi pa rin siya maka-move on. Ibang-iba ito sa mga role na nagampanan ko na sa mga movies at teleserye, that’s why I’m very happy na ibinigay sa akin itong project na ito.
Kinumusta naman kay Lovi ang kissing scenes niya sa dalawa niyang leading men, “Secret! Ha-hahaha! Hindi kasi, kapag kinuwento ko, hindi na surprise, basta panoorin na lang.”
Sa presscon pa rin ng “Sana Dati” natanong si Lovi kung sa tunay na buhay ba ay nagulo na ang utak niya nang dahil sa lalaki, yung tipong may boyfriend na siya pero may umeeksena pang iba? “I don’t think so.
Ha-hahaha! Nothing so close to that. But there is always this one person that you will always love, whether it’s the past, present or future. Malay ko, baka hindi ko pa siya nakikilala o baka nakilala ko na siya.”
Samantala, inamin ni Lovi na nakaramdan siya lately ng pagka-burnout. Kuwento ng dalaga, nu’ng ma-feel daw niya ‘yun, naghanap siya agad ng simbahan at isa sa pinuntahan niya ay ang St. Paul The Apostle Parish sa may Timog Avenue.
Doon ay nagdasal siya at parang may nangyari raw na himala dahil dininig agad ang prayer niya, dito na siya parang napaluha.
“Ang first thing na pumasok sa isip ko is that ang babaw naman ng mga ineemowt ko! Ha-hahaha.
And I was thinking of ‘yung mga nangyayari sa Zamboanga…so, na-realize ko na ang babaw ko. I was enlightened. Parang wala akong karapatang ma-burnout at ma-stress.
“I have no right to feel bad about what I’m going through because a lot of people are going through so much. So, after that, pinagdasal ko na lang ‘yung ibang tao,” kuwento pa ng Primera Aktresa ng GMA na umaming bumagsak ang immune system niya nang dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
Pagpapatuloy ng Kapuso leading lady, nu’ng paalis na siya ng St. Paul, bigla niyang nakita ang isang kaibigan noon ng tatay niyang si FPJ at nag-usap nga sila tungkol sa kanyang yumaong ama.
Ang feeling ni Lovi ay nagparamdam at tinapik siya ni FPJ para maging maayos na ang pakiramdam niya. Anyway, isasabay na rin ni Lovi ang pagbabakasyon sa pagpunta niya sa Hawaii next month para sa Hawaii International Film Festival kung saan kasali nga ang “Sana Dati” na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.