HINDI nakasama sa 12 bagong halal na senador ng Pilipinas si dating Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson na si Atty. Salvador Panelo pero hindi pa rin siya mawawala sa gobyerno dahil siya ang kinuhang legislative consultant at adviser ni Robin Padilla.
Sa kasalukuyan ay nanatiling nasa unang puwesto si Robin sa mga bagong nahalal na senador at para magkaroon siya ng kaalaman sa batas at iba pang usapin ay hiningi niya ang tulong ni Atty. Panelo.
Ang caption ni Binoe sa Facebook post niya ng larawan nila ni Atty. Panelo.
“Bismillah. Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado.
“Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution.
“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado.
“Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon.
“Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor. Walang tatalo kay Sal panalo Panelo! Mabuhay ang parliamentaryo.
“Mabuhay ang Federalismo. Mabuhay ang PDP laban. Mabuhay ang Pilipino. Mabuhay ang inangbayan Pilipinas.”
Sinagot naman ni Atty. Panelo ang imbitasyon ni Robin.
“Maraming salamat Sen. Robin Padilla! Isang karangalan na patuloy na maglingkod sa bayan bilang katuwang mo na pinagkatiwalaan ng 26 milyong Pilipino!
“Makaasa ka na ibubuhos ko ang aking sarili para tulungan kang palitan ang Saligang Batas para wakasan na ang bulok na sistema na bumibilanggo sa ating bansa.
“Marami ding salamat sa pangako mo na pagsulong sa mga panukalang batas para sa children with special needs/ disabilities. Dahil dyan ay parang nanalo na din ako!”
Related Chika:
Panelo kay Sharon Cuneta: I sing your song to honor my son
Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor
Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?