Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

MASAYANG binati ng TV host-actress at vlogger na si Toni Gonzaga ang presidential candidate at kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial results ng eleksyon 2022 na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Toni ang video clip noong kumanta siya ng “Umagang Kay Ganda” sa naganap na Miting De Avance ng UniTeam sa sa Paranaque City noong Mayo 7.

“Congrats Ninong Bong,” saad ni Toni at tinawag niya rin itong “presidente”.

Isa ang TV host-actress sa mga nagpahag sa pagsuporta sa naturang kandidato.

Matatandaang noong Oktubre 2021 ay nag-trending rin si Toni matapos niyang i-guest si Bongbong sa kanyang programa sa YouTube na “Toni Talks”.

Dito rin nag-umpisa na i-cancel ng madlang pipol ang asawa ni Paul Soriano dahil sa pagiging “enabler” umano nito at pagpayag na gamitin ang kanyang plataporma sa pagsubok na baguhin ang kasaysayan ng bansa.

Mas umigting naman ang pagkaimbyerna ng madlang pipol kay Toni nang maging host ito sa naganap na proclamation rally ng tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte na ginanap noong Pebrero 8 sa Philippine Arena.

Agad na naging isa sa maiinit na topic sa social media ang paglabas ni Toni sa naturang rally maging ang pag-endorso nito sa isa sa mga kandidato at bahagi ng UniTeam Senate slate na si Rodante Marcoleta.

 

 

Si Rodante Marcoleta ay isa sa mga kongresista na bumoto kontra sa pagbibigay ng ABS-CBN franchise renewal na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado ng Kapamilya network na siyang kinabibilangan ni Toni.

Matapos ang pag-call out ng mga netizens sa ginawa ng aktres ay nagbitiw ito sa “Pinoy Big Brother” kung saan siya ang nagsisilbing main host ng programa.

Matapos nito ay naging tuloy-tuloy na ang paglabas ni Toni sa mga campaign rallies ng UniTeam.

Sa katunayan, muling nag-trending ang nakatatandang kapatid ni Alex nang ipahayag nito sa isang rally na magbabalik na ang mga Marcos sa kanilang tahanan at ‘yun ang Malacañang.

Marami ang tumutol sa naging pahayag ni Toni at sinabing hindi ito pag-aari ng mga Marcos kundi ng taumbayan.

Related Chika:
Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

Bongbong, Sara nangunguna sa bilangan; Robin No. 1 sa labanan ng mga senador

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Read more...