Karen Davila, Mel Tiangco ginisa ang Comelec officials sa nangyaring aberya sa halalan

Karen Davila, Mel Tiangco ginisa ang Comelec officials sa nangyaring aberya sa halalan

NAG-TRENDING sa Twitter ang mga batikang mamamahayag na sina Karen Davila at Mel Tiangco matapos nilang gisahin ang Commission on Elections (Comelec) tungkol sa mga naging aberya ngayong 2022 elections.

Labis labis kasi ang hassle na naranasan ng mga botante dahil marami sa mga vote counting machines o VCM ay ayaw nang gumana umaga pa lang ng botohan.

Sa naging panayam ni Karen Davila kay Commissioner George Garcia, ipinahayag niya ang panawagan na i-extend pa ang oras ng botohan lalo na’t marami ang mga taong nais bumoto ngunit hindi makaboto dahil sa mga aberyang naganap maghapon sa kani-kanilang polling precinct.

“Ano ba ang kakailanganin para ang Comelec en banc ay magdesisyon na i-extend? Dalawang oras lang naman po ang hinihingi, iba’t ibang kandidato na ang nananawagan na i-extend ng dalawang oras,” diretsahang saad ni Karen kay Commissioner Garcia.

Pagpapaliwanag ng mamamahayag ay hindi naman kasalanan ng mga tao at ng pandemya kung bakit naging mahaba ang pila dahil sa mga hindi gumaganang VCM.

Patuloy ni Karen, “And mind you Commissioner ha hindi kasalanan ng pandemya kung bakit nagkaganito ang pila. Ang mga VCM po. Apat na oras nakatayo sa pila ang mga tao para bumoto. Paano naging kasalanan ng mga tao at paano naging kasalanan ng pandemya ‘yon? What will it take to change the Comelec en banc’s mind?”

Maski ang ang Kapuso news anchor na si Mel Tiangco ay naglabas ng saloobin ukol sa mga aberya sa naganap na halalan.

“Tina, syempre yung mga ganoong aberya bagaman tingin ng ilang taga Comelec e maliit na bagay o isang bagay na hindi ganoong makakaapekto sa sitwasyon natin sa botohan. Hindi mo maiaalis lalo na doon sa poll watchers, dyan sa mga citizens arm. ’Yung mga nagbabantay ‘no para magkaroon tayo ng malinis at magandang kalakaran ngayong eleksyon,” pahayag ni Mel.

Aniya, hindi raw maiaalis na pagdudahan ang naganap na botohan.

“Hindi mo maiaalis yun eh. Pagdududahan eh. ‘Di ba kapag ka ganyan nagiging suspect kaya bago tayo mag-eleksyon, kung maalala mo ay nagkaroon yan ng malawakang pag-eksamin diyan sa bawat na VCM na yan, ‘di ba? para maiwasan precisely itong mga ganitong mga kaganapan para sa ikagaganda ng ating pagtingin o ng ating pagtiwala sa magaganap o nagaganap na botohan,” pagpapatuloy pa ni Mel.

Kinuwestiyon rin niya ang kakulangan ng ahensya sa paghahanda.

“Ano raw ba ang kinulang at bakit hindi nakamit yun? Nagkaroon pa ng mga tinatawag na contingency VCM naalala mo, Tina? Meron pang mga ganun eh. At katunayan, imbis na napakarami dati, nung huli nating eleksyon napakarami more than 12,000, binaba nalang nila yan sa mga mahigit isang libo– then they were almost sure na hindi na papalpak yang mga VCM but there has gotta be a very good reason na sasabihin ng Comelec kung bakit nagkaganyan, sunod-sunod. Kanina pang umaga, VCM nang VCM nang VCM ang mga problema,” dire-diretsang sabi ni Tiangco.

Kaya naman maski ang mga netizens ay talagang galit na galit na naglabas ng saloobin sa Twitter at sinang-ayunan ang naging pahayag ng dalawa.

“Karen Davila and Mel Tiangco showing their frustrations towards comelec on live television. yep, literally summing up our disappointment,” SAAD NG ISANG NETIZEN.

Sabi pa ng isa, “Karen Davila & Mel Tiangco fearlessly representing us by airing out our frustrations on live TV? WHY IS IT ALWAYS WOMEN HAVING THE GUTS TO CALL OUT PEOPLE?”

“Mel Tiangco & Karen Davila, two of the most respected and award winning journalists here, expressing and raising their voices regarding the failure of the COMELEC even with 6 years of preparation.” dagdag pa ng isang netizen.

 

Related Chika:
Karen Davila, pamilya tinamaan na rin ng COVID-19: We are recovering quite well

Karen binasag ang basher na nagsabing wala siyang ginawa kundi mag-travel: Get a life man!

Read more...