AMINADO si Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi na malaki ang naging partisipasyon ni Rabiya Mateo sa kanyang muling pagsali sa national beauty pageant ngayong taon.
Base sa dalaga, hindi daw talaga siya dapat sasali sa Miss Universe dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa ngunit dahil sa payo ng kaibigang si Rabiya ay tumuloy ito.
Si Rabiya ang nag-push kay Celeste na mag-submit ng application para sumali sa Miss Universe PH.
Inamin niya ito nang tanungin siya sa meet-and-greet PLDT Home presscon na naganap noong May 6 kung ano ang pinakamahalagang advice na nakuha nila sa mga dating titleholders.
“I would say it was from Rabiya. Actually, me and Rabiya are very close,” simula ni Celeste.
Aniya, nakatakda daw siyang sumali sa susunod na taon at hindi ngayong 2022.
“I remember that before submitting my application for Miss Universe Philippines, I was talking to her [Rabiya], and I was opening up about me wanting to join actually next year, not this year,” lahad ni Celeste.
Chika pa niya, nais lang daw niyang maging handa para sa sa beauty pageant pero ang payo ni Rabiya ang nakapagtulak sa kanya na sumali.
“If there is something that Rabiya told me is, ‘You will never be 100 percent prepared. But it’s your choice. It’s either to do it next year or this year.’ And she was really telling me that,” pagpapatuloy ni Celeste.
Sabi pa niya, sobrang straight forward daw ng kanyang kaibigan.
“She was really telling me, ‘Go for it. Don’t think about it too much. You will never be prepared. You just have to send the application and then everything will follow,’” sey pa ni Celeste.
Wala namang pagsisisi sa parte ng dalaga dahil ang naging kapalit nito ay ang korona at ang pagkakataon na irepresenta ang bansa sa pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong universe.
Masayang saad ni Celeste, ‘“So, it was one of the best advices because I was really listening to her. And she’s also one of the reasons why I decided to go for it. Thank you, Rabiya.”
Related Chika:
Evening gown ni Celeste Cortesi sa Miss Universe PH 2022 may konek sa yumaong ama: My guardian angel…