Hirit ni Alex sa asawang si Mikee kapag nanalong konsi: Buntisin mo na ako

Hirit ni Alex sa asawang si Mikee kapag nanalong konsi: Buntisin mo na ako

BENTANG BENTA sa mga netizens ang post ng TV host-actress na si Alex Gonzaga kahapon, May 09, habang kasagsagan ng 2022 elections.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang larawan nila ng asawang si Mike Morada na tumakbo sa pagkakonsehal sa Lipa City, Batangas.

“Konsi kung palarin ka ng Panginoon at mga taga-Lipa… Buntisin mo na ‘ko pagkatapos aneh,” nakakaaliw na saad ni Alex.

Marami naman sa mga netizens ang aliw na aliw sa bunsong kapatid ni Toni.

“Goodluck Kuya! We love you! HAHAHAHAHA. Yes please we are waiting for baby jopay!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “I kenat Yung buntisin mo nako pagkatapos.”

“No.1 na po yan ngayon dto sa lipa cguradong panalo ka na po konsi mikee morada,” hirit pa ng isa.

Kagabi ay ang asawa na nga ni Alex ang nangungunang kandidato sa pagkakonsehal.

Sa Twitter ay labis labis ang naging pasasalamat niya sa lahat ng mga nagmahal at sumuporta sa kanyang asawa para muling manalo at makapaglingkod sa kanyang constituents.

“Thank you Lipeños!!!! Mahal namin kayo!!! Salamat sa pagmamahal sa asawa ko nakakaiyak!” saad ni Alex.

At kaninag hapon ay pormal na ngang idineklara ang pagkapanalo ni Mikee sa pagkakonsehal.

Sa kanyang IG story ay ibinahagi ni Alex ang video habang inaanunsyo ang kanyang pagkapanalo.

“My #1 konsi. Thank you, Lipa!!! Mahal kayo lahat ni Mikee,” sey ng TV host.

Dagdag pa niya, “Mikee has a very humble heart. God knows his heart. We love you Konsi Mikee Morada!”

Related Chika:
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa

Read more...