TULAD ng kanyang ipangako, sumugod nga ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan sa rally ng mga Kakampink ngayong araw.
Isa si Frankie sa mga supporters nina Sen. Kiko at Vice President Leni Robredo sa mga nagprotesta sa pagiging number one ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nagaganap na canvassing of votes para sa 2022 national elections.
Talagang nagtipun-tipon muli ang mga Kakampink sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections ngayong araw, May 10, para iprotesta ang pangunguna ni Bongbong sa presidential race.
Bago pa siya makilahok sa rally, matapang na naglabas ang anak nina Kiko at Mega ng kanyang saloobin tungkol sa katatapos lamang na eleksyon.
Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Frankie na tulad ng maraming Filipino na bumoto kahapon, hindi raw niya maintindihan kung ano ang nangyayari.
Aniya, “I may never understand how things came to be but I will never forget the very distinct brand of love this election bred in each and every single one of our hearts.”
“My emotional range has been and continues to be tested to extreme lengths but if one thing is certain, it is that everything has changed. I feel it bone-deep, I’m sure you do too,” ani Frankie.
Ngunit ipinagdiinan ng dalaga na kahit anuman ang maging ending ng labanang ito, “The work does not end here.”
‘I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos again.’
Kakie Pangilinan, child of VP aspirant Kiko Pangilinan, is part of the rally here in front of the Palacio del Gobernador. #Halalan2022 #VoteReportPH pic.twitter.com/IQ8eXazOLN
— AlterMidya (@altermidya) May 10, 2022
Kasunod nga nito, nag-promise siya sa lahat ng tagasuporta nina VP Leni at Sen. Kiko na, “I will march, and I hope to see you there.”
Matapang ding sinabi ni Frankie sa pamamagita ng kanyang Twitter account na, “’Bongbong’ is not the name they will print on Malacañan’s stationery and if that doesn’t unsettle you, it should.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito, nangunguna pa rin sa bilangan si Bongbong na nakakuha na ng mahigit 30 million votes sa partial and unofficial results.
As of 12:17 p.m., may 30,855,617 votes na si BBM habang si VP Leni naman ay may 14,724,725 boto na.
Samantala, number one pa rin sa vice-presidential race si Sara Duterte with 31,280,191 votes habang pumapangalawa naman si Sen. Kiko na meron ng 9,169,375 boto.
https://bandera.inquirer.net/288164/frankie-nilait-lait-ng-basher-nakakapagod-na-po-minsan-pa-nga-nakakasira-ng-araw-o-buong-linggo
https://bandera.inquirer.net/294601/sharon-inakusahang-mas-paborito-si-frankie-kesa-kay-kc-may-pamatay-na-resbak-sa-bashers
https://bandera.inquirer.net/303420/heart-nadine-lantaran-na-kung-sino-ang-susuportahan-sa-eleksyon-2022