Catriona, Piolo dedma sa init, haba ng pila sa botohan; Sarah inatake ng nerbiyos habang bumoboto | Bandera

Catriona, Piolo dedma sa init, haba ng pila sa botohan; Sarah inatake ng nerbiyos habang bumoboto

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 08:02 PM

Catriona Gray, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli at Piolo Pascual

KAHIT tila may “forever” sa pila, hindi ito ininda nina Piolo Pascual at Catriona Gray basta masiguro lamang na makakaboto sila ngayong 2022 elections.

Dinedma lang ng dalawang sikat na celebrity ang matinding sikat ng araw kaninang tanghali habang nakapila sa kani-kanilang voting precinct para lamang maiboto ang mga sinusuportahang kandidato.

Ayon kay Piolo, ito ang unang pagkakataon na boboto siya kaya handa siyang maghintay nang ilang oras para magampanan ang responsibilidad niya bilang Filipino.

Sa Kamuning Elementary School bumoto sina Piolo at Catriona at tulad ng mga ordinaryong mamamayan nagtiyaga ang dalawang celebrities sa ilang oras na paghihintay.

“This is the first time I’m doing this so why not wait? This is once in a lifetime. Even if it takes forever, if it takes the whole day, I’m going to stay in line,” pahayag ni Piolo sa panayam ng ABS-CBN.

Sabi naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, “I think as a voter, it’s a great equalizer for all of us. We are all in the same level. If everyone else has to wait in line, so should we.”

Sina Piolo at Catriona ay lantarang sumusuporta sa kandidatura ng presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang makaboto rin kanina.

Aminado ang Popstar Royalty na inatake siya ng kaba habang sinasagutan ang kanyang balota. Inilarawan niya sa isang salita ang naging karanasan sa presinto, “Ninenerbyos!”

Sabi naman ni Matteo, “We just wish for the best for our country. Sana peaceful elections for all. God will decide na. God bless the Philippines.”

Dalawang araw bago ang botohan, nilinaw nina Sarah at Matteo na wala silang ineendorsong kandidato para sa 2022 elections.

https://bandera.inquirer.net/311324/leni-robredo-na-conscious-kay-piolo-sey-ng-netizens-may-pila-po-madam

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/312994/harry-roque-inakusahang-sumingit-sa-pila-para-makaboto-agad-pero-umalma-fake-news-po-yan
https://bandera.inquirer.net/290610/lolit-may-bwelta-sa-mga-nangingialam-sa-lovelife-ni-kris-basta-mahal-mo-ipagmalaki-mo-ipaalam-mo-sa-buong-bayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending