Enchong Dee nagpakita ng suporta kay Leni Robredo, nakipag-reunion sa Salazar siblings

Enchong Dee nagpakita ng suporta kay Leni Robredo, nakipag-reunion sa Salazar siblings

PERSONAL na nagpakita ng suporta ang aktor na si Enchong Dee para sa kandidatura ni Leni Robredo na tumatakbo bilang presidente ng bansa ngayong darating na eleksyon.

Present ang aktor sa nagdaang Miting De Avance ng tambalang Leni-Kiko at ng buong tRoPang Angat na ginanap sa Makati kahapon, Mayo 7.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Enchong ang kanyang larawan kasama ang kasalukuyang bise presidente.

“Tumitindig, Lumalaban, Nakikiisa para sa Gobyernong Tapat!” caption nito.

Makikita namang nag-comment ang panganay na anak ng bise presidente na si Aika Robredo sa post ng aktor.

“We missed you, Enchong!’ comment ni Aika.

Sagot naman ng aktor, “I couldn’t miss today’s historical day. I’m proud of you and your sisters. Andito lang ako lagi para sa pamilya n’yo. Mabalos.”

Buhat pa nang magpahayag si Robredo ng kanyang pagtakbo noong Oktubre ng nakaraang taon ay isa na si Enchong sa mga artistang nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura nito.

Bukod sa kanyang personal na pagpapakita ng suporta sa huling araw ng pangangampanya ng mga kandidato ay nakasama rin ng aktor ang kapwa artistang sina Angel Locsin at Shaina Magdayao na nakasama niya sa iconic movie na “Four Sisters And A Wedding” kung saan gumanap sila bilang magkakapatid kasama sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga.

Sa Instagram story ni Angel ay ibinahagi niya ang larawan nilang tatlo.

Muli na namang nahalungkat ng mga netizens ang 2013 movie dahil hanggang ngayon daw ay ‘super relatable” ang mga naging karakter at lines nila sa pelikula lalo na sa nangyayari ngayong eleksyon.

Sina Enchong, Shaina, at Angel ay nagpahayag ng pagsuporta sa pagtakbo ni Leni Robredo at noong Biyernes nga ay sumali na rin si Bea Alonzo sa mga “kapatid’ niya na sumusuporta sa kanilang “Mama” Leni.

Samantalang si Toni naman na gumanap bilang “Teddie” sa pelikula ay inendorso ang kandidatura ni Bongbong Marcos.

Related Chika:
Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak

Angel naiyak dahil sa paninindigan ni Vice Ganda at ng LGBTQ; Monsour nakatadhana ang pagtakbong senador

Enchong Dee grateful kay Erich Gonzales: Kulang na lang ikasal kami

Claudine Bautista-Lim nagsampa ng kasong cyber libel laban kay Enchong Dee

Read more...