Stranded Kakampinks tinulungan ni Arnell: O, di ba, ang ganda naming tingnan...this is the way to do it | Bandera

Stranded Kakampinks tinulungan ni Arnell: O, di ba, ang ganda naming tingnan…this is the way to do it

Ervin Santiago - May 08, 2022 - 04:49 PM

arnell ignacio

PINATUNAYAN ng TV host-comedian na si Arnell Ignacio na hindi kailangang mag-away-away o magbangayan ang mga supporters nina Vice President Leni Robredo at dating Sen. Ferdinand “Bongbong Marcos, Jr..

Bukas na magaganap, May 9, ang judgment day para sa lahat ng mga kumakandidato ngayong national elections.

Magkakaalaman na kung sinu-sino talaga sa mga tumatakbo sa iba’t ibang posisyon ang mangunguna sa puso ng sambayanang Filipino at kung pinaniwalaan ba ng mga botante ang kanilang mga plataporma.

Kagabi, May 7, ang itinakdang huling campaign rally ng lahat ng partido bansa at talagang kanya-kanyang paandar at pasabog ang mga kandidato sa kanilang mga miting de avance.

At sa gitna nga ng nagaganap na batuhan ng maaanghang na salita sa magkakalabang partido, lalo na sa pagitan ng mga supporters nina presidential candidates VP Leni at Bongbong, may mga positibo at pampa-good vibes pa rin namang nagaganap.

Tulad na lang ng kuwento tungkol sa BBM-Sara Duterte supporter na si Arnell Ignacio at ng isang grupo ng Kakampinks na nagkrus ang landas matapos ang miting de avance ng UniTeam sa Parañaque City at ng TRoPa sa Makati City.

Kaninang madaling-araw may nadaanang grupo ng kabataan si Arnell na puro nakasuot ng pink shirts habang pauwi na sa bahay mula sa campaign rally ng UniTeam.

Alam ng TV host na nahihirapang makasakay ang mga kabataan sa nasabing lugar dahil nga matindi ang naging daloy ng trapiko sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Kaya naman inalok na ni Arnell ang mga Kakampink na sumakay na sa kotse niya. Siyempre, todo-todo ang pasasalamat ng mga bagets sa komedyante.

Sa pamamagitan ng Facebook Live ni Arnell, ibinahagi ng mga Kakampinks ang nangyari sa kanila. Kuwento ng isa, “So we’re looking for a ride and Sir Arnell Ignacio eventually came and saved us. Nakisakay kay Arnell Ignacio for Leni-Kiko!”

“Sa mga BBM supporter, ingat kayo. Ingat kayo. Ito ang patunay na nagpapabawas tayo ng toxicity. Alam naman natin yung grabe ng bigat ng labanan,” sabi naman ng isa pang kasama sa grupo.

Hirit naman ng director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), “Kasi, kanina ko pa napapansin na walang masasakyan yung mga kasama natin na Pink! O, di ba, ang ganda naming tingnan? This is the way to do it.

“Kapag pink pala, puro bagets. Tingnan niyo ang mga kasakay ko. Lahat sila, naka-pink, ako lang ang nakapula,” sabi pa ni Arnell.

“Winelkam niya po kami,” sey ng isang Kakampink.

Sagot naman ni Arnell, “E, kasi nakita ko wala talaga silang masasakyan, makikita sa mukha nila, di ba? Mukhang panic. Parang mga anak ko na ito, e. Nakita ko yung mga mukha, parang nagpa-panic.

“Kanina naman, nakita ko ale kaya lang baka matakot sa akin, bakit ko siya isinasakay? As if naman, may balak ako sa kanya,” birong chika pa ng TV host sa mga pinasakay na Kakampinks.
https://bandera.inquirer.net/312360/arnell-ignacio-binanatan-si-kim-chiu-get-a-spokesperson-for-youself

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/312490/arnell-ignacio-nakikisakay-lang-daw-sa-kasikatan-ni-vice-ganda-dapat-mga-trolls-ang-pagsabihan-mo
https://bandera.inquirer.net/303420/heart-nadine-lantaran-na-kung-sino-ang-susuportahan-sa-eleksyon-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending