NAGING emosyonal si Megastar Sharon Cuneta habang nagbibigay siya ng talumpati sa nagdaang Miting De Avance ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan na ginanap sa Makati kahapon, Mayo 7.
Bukod kasi sa ito na ang huling pagkakataon na ikakampanya niya sa entablado ang asawang si Kiko Pangilinan na tumatakbo bilang bise presidente ng bansa, ay nagbigay ito ng mensahe sa sa iba pang mga kandidato ngayong eleksyon.
“Anuman ang resulta sa darating na May 9, we all have already made history because you are all here tonight! I said it’s painful, can I just say very personal words?” saad ni Sharon.
Dito ay nagsimula na ang Megastar na magbigay mensahe sa kaibigan at presidential candidate na si Bongbong Marcos.
Pagpapatuloy ni Sharon, “This is for Bongbong… maybe we don’t have to agree or like what you’ve done or what you have not done, for me to always remember your kindness towards me when I was growing up… I wish you and Liza and your beautiful boys God’s blessings… and we all come together once this is over and just be Filipinos.”
Nagbigay rin ito ng mensahe kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
“Inday… nagkakaintindihan tayo. Kahit wala na si Tatay sa aking buhay ay never kang nawala. Alam ko, kasi hindi ka lang Sharonian, pero mahal kita. Kaya lang, ang bise presidente ko talaga ay si Kiko,” sabi ni Sharon na ikinahiyaw ng madlang pipol.
Hindi naman nakalimutan ng Megastar na magbigay ng mensahe sa itinuring niyang pangalawang ama at isa ring katunggali ng kanyang asawa na si Sen. Tito Sotto pati asawa nitong si Helen Gamboa.
“Mostly, to my second father, Senate President Tito Sotto… Daddy, thank you for embracing me when I saw you… thank you for saying ‘I love you’ back… I love you very much dad, but… I hope it doesn’t divide our family.
“Mama Helen, the only peace I found in my heart is that, you would have done the exact same thing for dad, if you had been in my shoes. After all, you raised me also and I am so much like you… co’z I’m your eldest. I love you very much and I miss you,” punung-puno ng emosyong sabi ni Sharon.
Hindi naman niya nakalimutan ang mga pinsan niya na itinuring rin niyang mga kapatid at sinabing mahal niya ang mga ito.
Aminado si Sharon na ito ang pinakamahirap at masakit sa loob niyang eleksyon dahil marami sa mga malalapit sa puso niya ang tumakbo at bilang asawa, kinailangan niyang tumindig at suportahan si Kiko sa desisyon nitong kumandidato kasama si Leni Robredo.
Samantala, isa rin sina Bongbong at Sara sa mga naging malapit niyang kaibigan at halos magkapatid na rin ang naging turingan nila.
Hangad niya na sana, pagkatapos ng halalan, ano man ang maging resulta ay huwag magbago ang kanilang turingan sa isa’t-isa.
“Ang hinahangad natin, iisa lang ang Pilipinas.”
Related Chika:
Sharon nagsalita na sa mga kumakalat na intriga, ‘umaming’ pwede n’yang iwan si Kiko para sa isang lalaki
Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!
Sharon pinipilit si Kiko na magpakulay ng buhok: Hindi ko matatanggap na katabi ko lolo…