NAGING matagumpay din ang grand campaign rally ng Tutok to Win Partylist group sa Batasan, Quezon City kagabi.
Higit sa kasiyahan, iniuwi rin ng dumagsa sa campaign rally ang pag-asa na bubuti na ang kondisyon ng kanilang pamumuhay dahil magkakaroon na sila ng tunay na boses sa Kongreso, si Sam “SV” Verzosa, ang first nominee ng Tutok to Win Partylist.
“Nagawa na namin tumulong ni Kuya Willie Revillame, patuloy kaming tumutulong kayat alam ko na ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” sabi ni Verzosa.
Pangako pa niya, “Hindi namin kayo bibiguin. Ipagpapatuloy namin ni Kuya Wil ang mga programa niya, itutuloy naming sa mas malaking plataporma.”
Sinabi pa nito na ang pangarap nila sa Tutok to Win Partylist ay hindi lamang bigyan ng pag-asa ang mga mamamayan kundi bigyan katuparan ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng positibong pagbabago sa kanilang buhay.
Muli rin niyang inulit na siya ay nanggaling sa hirap at nakaranas ng kahirapan kayat alam niya ang gusto ng mga mahihirap.<iframe width=”652″ height=”367″ src=”https://www.youtube.com/embed/Kn6rOei8TH4″ title=”YouTube video player” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>
Samantala, hitik sa mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz ang grand rally sa Batasan.
Kabilang sa mga nagdulot ng kasiyahan sina Pio Balbuena, Kris Delano, Tiny Montana, Nik Makino, Mstryo, Kxle, Jake Piedad, Third Flo, Lester O, Waff, Jay Flava, Abadon, Kial, Mcee Zabala at ang Wowowin Girls.
https://bandera.inquirer.net/312453/tondo-grand-rally-ng-tutok-to-win-partylist-dinumog-kuya-wil-muling-naghatid-ng-saya
https://bandera.inquirer.net/311784/tutok-to-win-partylist-suportado-ng-celebrities-grand-rally-dinagsa