Dexter Doria tahimik lang ang naging buhay-artista: Napaka-corny po ng buhay ko!
“NAPAKA-CORNY po ng buhay ko!” ang natatawang pagsasalarawan ng veteran character actress na si Dexter Doria nang matanong tungkol sa personal niyang buhay.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang beteranang aktres sa ginanap na story conference ng pelikulang “Memories of a Love Story.”
Ito ang magsisilbing comeback project sa Viva Films ng direktor na si Jay Altarejos na pinagbibidahan nina Oliver Aquino at Migs Almedras.
Pero kung may isang pagkakataon na naging kontrobersyal at nalagay sa headline ng mga showbiz websites ang aktres, yan ay noong nagdaang taon kung saan matapang niyang inihayag na handa siyang magtungo sa iba’t ibang lugar sa bansa maging sa buong mundo para patotohanan ang mga nalalaman at nasaksihan niya noong panahon ng martial law.
Sa nasabing online presscon, natanong si Dexter Doria kung ano ang wildest memories niya bilang aktres na hindi pa alam ng mga tao. Sagot niya na may halong pagka-shookt, “Wow! Ano kayang wildest memories ko?”
“Wala, bilang artista hindi ako kontrobersiyal. Darating ako sa set, gagawin ko ang trabaho ko. Wala akong mga itinatago maski na isipin niyo na nagkaroon ako ng boyfriend na artista. Wala! Napaka-corny po ng buhay ko,” paliwanag nig veteran actress na nakilala sa mga kontrabida roles.
Sinagot din niya ang question kung ano ang sikreto sa halos 50 taon niya siya sa showbiz, “Pakikisama talaga is number one, although marami talagang mga diva na dahil sa sila ay diva kaya naman sila nagtatagal.
“Very tricky ‘yan, kasi kapag nagtatagal ka na, rerespetuhin ka rin naman ng mga tao so hindi mo na kailangan na magpaka-diva.
“Para sa akin, galingan mo ang trabaho mo. Expected na ‘yan, gagalingan mo ang trabaho mo at saka hindi ka lang makikisama sa direktor at sa producer, pati sa lahat, pati sa utility because feeling entitled won’t get you anywhere.
“Kailangan talaga na you’re a regular fellow na nagtatrabaho kayo, nagtatrabaho tayong lahat. Pantay-pantay tayo, that is the secret,” paliwanag pa niya.
Samantala, super happy din si Dexter na napasama siya sa “Memories of a Love Story” dahil unang-una ito raw ang reunion movie nila ni Direk Jay Altarejos.
Sa mga hindi pa aware, tatlong best supporting actress award ang naiuwi ng aktres (sa panahon ng pandemya) mula sa Gawad Urian, FAMAS at Gawad Tanglaw para sa pelikulang “Memories of Forgetting” ni Direk Jay.
“The fact he gave me three best supporting actress awards, parang walang ibang nakakagawa niyan sa ibang directors ko ,and because of that, I have the highest respect for him.
“I cannot describe the fact na kapag si Jay ang tumawag sa akin, talagang nanginginig pa,” sabi pa ni Dexter.
At dahil isang LGBTQIA+ ang “Memories of a Love Story”, natanong din ang aktres kung may maise-share siyang karanasan sa mga homosexual.
Pag-amin niya, may best friend daw siyang bisexual na “nanligaw” sa kanya pero tinanggihan daw niya ito. Hindi siya against bisexual o lesbians pero alam niyang hindi raw ganoon ang tipo niyang relasyon.
https://bandera.inquirer.net/311913/dexter-doria-tinawag-na-credit-grabber-si-bongbong-marcos-dahil-sa-bangui-windmills
https://bandera.inquirer.net/288713/angel-handa-nang-magka-baby-hindi-naman-basketball-team-mga-isa-o-dalawa-pwede-na
https://bandera.inquirer.net/288713/angel-handa-nang-magka-baby-hindi-naman-basketball-team-mga-isa-o-dalawa-pwede-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.