Baguhang aktres mega attitude, mga kasama sa trabaho gusto na mag-back out

Baguhang aktres mega attitude, mga kasama sa trabaho gusto na mag-back out
KAYA pala hindi sumisikat at hindi binibigyan ng maraming project ang baguhang aktres dahil super attitude to the max na pati co-actors niya ay inirereklamo siya.

Nagulat kami sa tsikahan namin ng mga naka-trabaho ng baguhang aktres na ito through video chat dahil gusto na nilang mag-back out daw noon sa movie kaso may pinirmahan silang kontrata kaya kailangan nilang tapusin ito.

“Feeling entitled, feeling magaling, e, wala ngang reaksyon and kapag take na, hirap na hirap nga siyang sabayan ng ka-eksena niya. Inaalalayan siya pero hindi kinakaya,” bungad kuwento ng aktres na nagbida na sa isang series at lagi siyang pinapalakpakan sa tuwing napapanood ito.

Ang aktor na nakasama sa eksena ng baguhang aktres ay dedma lang na tila hindi nage-exist ang gurl dahil katwiran niya work lang at hindi rin naman sila chummy.

Since lock in shoot ang movie ay hindi ba dapat may bonding ang buong cast o kaya nagkaka-tsikahan?

“E, hindi naman siya nakiki-tsika, mas gusto niyang kausap at titigan ang cellphone niya,” hirit naman ng isa pang co-star ng baguhang aktres.

Kung hindi kami nagkakamali ay mahigit limang taon na sa showbiz industry ang bida sa blind item namin at nasa magandang TV network siya pero bilang lang sa daliri sa kanang kamay ang shows niya.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay tsinek namin ang social media account niya at parang wala nga siyang friends from showbiz dahil wala kaming nakitang post na kasama niya hindi katulad ng iba na marami.

Dagdag sabi pa ng co-star ng baguhang aktres, “taklesa ‘yan, parang hindi niya iniisip ang sinasabi niya. May pagka narcissist ‘yan wala siyang pakialam sa iba.”

Wala rin kaming alam kung may karelasyon ang baguhang aktres kasi wala rin siyang post dahil puro sarili lang niya ang laman ng social media account niya.

Anyway, sana magbago ng ugali ang baguhang aktres para naman magustuhan siya ng co-actors niya.

Related Chika:
Baguhang sexy star nakipaghiwalay sa dyowang produkto ng reality show: Sumisikat na kasi

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Read more...