VIRAL ngayon sa social media ang mga videos ng vlogger na si Toni Fowler kasama ang kontrobersyal na si Toni Gonzaga at kapatid nitong si Alex Gonzaga.
Sa isang video na ibinahagi ni Alex ay makikita ang magkapatid na Gonzaga na nili-lip sync ang kanta ng vlogger na pinamagatang “FF” o Fake Friends.
Game na game ring nakipagkulitan ang dalawa kay Toni Fowler na isa rin sa mga kontrobersyal na tao sa YouTube world sa dami ng isyung kinakaharap.
“Ang dalawang TONI nagkita at nagpa-cool lang ako,” caption ni Alex.
Marami naman ang naaliw nang tila isampal ni Toni Fowler ang kanyang dede sa mukha ng nakababatang Gonzaga.
“Musta mukha mo ate @cathygonzaga??? Nasuso ka dyan ah,” pabirong comment ng fan account ni Alex.
“Yung reaction ni Ate Toni sa last do ko kinaya,” hirit naman ng isa.
Saad naman ng isa, “sampal ng katotohanan kay @cathygonzaga.”
Samantala, nagpost rin si Toni Fowler sa kanyang IG account kung saan ibinandera niya kung sino ang kandidatong kanyang sinusuportahan.
Makikita na sinasayaw at nili-lip sync nito ang kanta ni Andrew na “Bagong Pilipinas, Bagong Mukha”.
Bago matapos ang kanya ay pumasok sa frame si Toni Gonzaga at nakipagkulitan nang naka-peace sign, na gamit ni Bongbong Marcos ngayong eleksyon.
Malinaw na ang tambalang Marcos-Duterte ang sinusuportahang kandidato ni Toni Fowler gaya ng TV host-actress na si Toni.
Hati naman ang mga naging reaksyon ng supporters ni Fowler sa kanyang TikTok video.
“I salute you for being a strong single mom like me but #LetLeniLead parin,” saad ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Yes!!! Uniteam all the way! BBMSARA FOR THE WIN!!!”
Anyways, kaya nagkasama ang dalawa ay para sa “Toni Talks” interview ni Celestine sa kanyang YouTube channel.
Related Chika:
Toni basag na basag sa mga haters dahil sa politika: Nakakabastos naman kasi talaga!
Toni, Paul buong-tapang na tinawag si Bongbong Marcos ng ‘My President’
Manny Castañeda kinampihan si Toni; tinawag na palaaway, bastos ang mga ‘pinklawan’