UMANI ng batikos mula sa netizens ang naging pahayag ng dating artistang si Iwa Moto matapos itong magsalita hinggil sa pagpapahiwatig ni Jodi Sta. Maria sa pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Matatandaang may isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya kung ano ang kanyang masasabi sa ginawa ng aktres gayong ang lolo ng kanyang anak na si Thirdy na si Sen. Ping Lacson ay tumatakbo rin sa pagkapangulo.
Ani Iwa, “Not surprised coz we talked about it before. She said she’s still undecided that time. Of course I will respect her decision.
“Kahit naman iba iboto niya di naman mababago na pamilya kami, at mahal namin at nirerespeto ang isa’t isa. Syempre may sarili kaming utak at iba iba kami ng opinyon.”
Dagdag pa ni Iwa, sana lang daw ay naging quiet na lang si Jodi.
“Was just hoping na di na lang siya nag-announce. Hihi. Syempre father-in-law namin yung kalaban na candidate. Lol,” sabi niya.
At dahil nga dito ay may mga netizens ang napataas ng kilay sa kanyang naging pahayag.
Sa isang Instagram post ni Iwa kung saan kasama niya sa larawan ang ama ng kanyang asawa at presidential candidate na si Sen. Ping ay may isang netizen ang nag-comment patungkol sa kanyang statement kay Jodi.
“Eh ano naman kaya kung i-announce ni Jodi. Past is past, pakialamerang palaka!” sey ng netizen.
Agad naman siyang sinagot ni Iwa at sinabing, “Anong tawag mo sa ginagawa mong pag-comment? I’m sure di ako palaka. How about you?”
Hirit naman ng isa pang netizen, “Wala namang pake si Jodi kung support mo si Ping so dapat keribels ka lang din kung support ni Jodi [si Leni]. Ilagay mo sa tama yang pake mo. #respectbegetsrespect”
“Nabasa mo ba post ko???? I said I respect her decision. Eh ikaw nirerespeto mo ba yung post ko??? Nagpost ako not to disrespect anyone. Someone asked me a question. I answered it. Straight to the point and most importantly HONESTLY!!! Di ba pwedeng magsabi ng nararamdaman?? Kaya nga I hoped eh,” reply ni Iwa.
Samantala, muling nag-post si Iwa sa kanyang IG story na mas maganda raw sana kung si Ping at si Leni ang magkaroon ng debate.
Sa katunayan ay may pa-poll pang ginawa si Iwa para alamin ang pulso ng taongbayan kung bet rin ba nila na magkaroon ng debate ang dalawa.
Related Chika:
Iwa Moto sa pagsuporta ni Jodi kay VP Leni: Hindi na lang sana siya nag-announce…
Iwa Moto sa mga nagbabangayan ukol sa politika: Respect one another!
Iwa Moto kinontra si VP Leni, naglabas ng ebidensiya para idepensa si Lacson