Janine Gutierrez napagkamalang anak ni VP Leni: Hindi po! Anak ni Lotlot!

Janine Gutierrez napagkamalang anak ni VP Leni: Hindi po! Anak ni Lotlot!

MAY kwelang kwento ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez mula sa naging experience niya sa kanyang pagbabahay-bahay para ikampanya ang kandidatura nina Leni Robredo at ng ka-tandem nitong si Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ng aktres na napagkamalan daw siyang anak ng kasalukuyang bise presidente.

“Today sa h2h, (house-to-house) [Tinanong ako ng] ‘Ikaw yung anak?'[Sumagot ako ng] ‘Opo Opo!'” saad ni Janine.

Pagkukwento niya, sanay na raw kasi siyang tanungin kung siya ang “anak” pero tila na-wow mali siya dahil iba pala ang pinupunto ng kanyang kausap na residente.

“[Tanong niya uli] ‘Anak ni Leni?’ [na sinagot ko ng] ‘Ay hindi po, anak ni Lotlot!'” dagdag pa ni Janine.

 

 

Marami naman ang naaliw sa maikling kwento ng certified Kakampink artist.

“Natawa ako dun. Assumera ka daw kasi Madam. Hahaha. Di lang daw po si Lotie (Lotlot) and shikat (sikat). Pati daw po si Lenhi (Leni). On a serious note, maraming salamat po sa paglabas at pagkumbinse,” reply ng isang netizen.

Saad ng isa pa, “Sana sinabi mo rin yung ‘apo po ni Pilita na hindi marunong kumanta pero may-ari ng nail salon’ HAHAHA.”

“The bunsong naiwan sa party meets the ateng naiwan ng driver. Buena Familia naiwan charot HAHAHAHA,” biro naman ng isa pa.

Para sa mga aware, ang context ng mga “naiwan” ay base sa naging kwento ng ikalawang anak ni VP Leni na si Tricia na naiwan noon sa isang party na dinaluhan ng kanilang pamilya na kanyang inispluk noong nagka-chikahan sila sa “Ang Walang Kwentang Podcast” nina Direk Tonette Jadaone at JP Habac.

Samantalang noon naman ay nag-trending si Janine matapos ang kanyang tweet kung saan naiwan siya ng kanyang driver matapos akalain nitong akalain na nakasakay na ang aktres pero maiwan ito na nagwi-withdraw sa isang ATM machine.

Speaking of trending, nag-trending muli si Janine at ang kanyang inang si Lotlot kahapon dahil sa funny tweet ng aktres.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ni Janine ng house-to-house para ikampanya ang tambalang Leni at Kiko at buong tRoPang Angat sa darating na May 9 elections.

Related Chika:
Janine Gutierrez in-unfollow nga ba si Julie Anne San Jose sa Instagram?

Janine kilig na kilig sa hugot ni Regine; Lotlot may ‘psychic power’

Janine Gutierrez may ‘bago’ na raw ayon kay Lotlot de Leon

Read more...