NAGPATUTSADA ang Kapamilya actress na si Kim Chiu laban kay presidential candidate Bongbong Marcos matapos nitong magpahayag ng statement ukol sa hamon sa kanya ng kapwa kandidato sa pagkapangulo ng bansa na si Leni Robredo.
Nagtataka kasi ang aktres kung bakit ang madalas na sumagot sa isyu para kay Bongbong ay si Atty. Vic Rodriguez gayong hindi naman ito ang kumakandidato.
“Uhm curious lang po? Bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? [Siya] po ba yung tatakbo?” tanong ni Kim sa kanyang tweet nitong April 29.
Matatandaang inanyayahan ni Vice President Leni Robredo ang dating senador sa isang debate para marinig ng madlang pipol ang kanyang sey sa mga kontrobersiya na pumapalibot sa kanya.
“Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipag-debate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersyang pumapalibot sa kanya. We owe it to the people ans to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako,” hamon ni VP Leni.
Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious https://t.co/VQjQl2Mt5M
— kim chiu (@prinsesachinita) April 29, 2022
Sagot naman ni Atty. Vic Rodriguez, “Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.
“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang yan.”
Kaya naman hindi maiwasan ni Kim na kwestiyunin ang pagtakbo ni Bongbong dahil maski debate ay hindi nito mapaunlakan.
Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Kim.
“At saka akala ko ba kapag naging presidente na daw siya, ‘di daw siya kukuha ng spokesperson? Aplikante pa lang, panay spokesperson na ang nagsasalita. Sino po ba talaga ang tumatakbo?” reply ng netizen.
Saad naman ng isa, “I think Ms. Kim, they are trying to project him as someone presidential kaya laging spokesperson ang pinapasagot sa issues. Or they are trying to minimize BBM’s comments para nga naman ‘less talk, less mistake’. Just my take.”
Comment naman ng isa, “Yung gigil na gigil ka na pero naalala mong mas radikal ang magmahal.”
May ilan rin na bumatikos kay Kim sa kanyang pagtatanong.
“Walang time si BBM sa NANAY NYO. Walang bukambibig nya manira sa kapwa. Sa inyo na yan. Marami ang walang may gusto [kay] Madumb,” sabi ng netizen.
Hirit ng isa, “Diyos ko po, Kim. Curious rin ako. Bakit ang bobo mo? Just asking.”
“Spokesperson nga diba haha. Si Barry (spokesperson ni VP Leni) nga ‘K’ lang nasasabi haha,” sey naman ng isa.
Pero sa pananaw ni Kim, dapat ay mismong kandidato ang magsalita st humarap sa publiko dahil ito naman ang tumatakbo at hindi ang spokesperson nito.
“Di ba campaign period pa lang? Dapat ‘yung nag-aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW,” dagdag ni Kim Chiu.
Related Chika:
Bwelta ni Angel kay Roque: Bakit niya sinermunan ang mga medical workers?
Kim super proud sa pinagdaanang pagsubok: My gosh, naka-frame na po lahat ng mga balita! Chos!