“FAKE news!” Yan ang ipinagdiinan ng kampo ng Filipino-American rapper na si Apl.de.Ap tungkol sa naglabasang balita na sinusuportahan niya ang kandidatura sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Mariin ding itinanggi ni Apl.de.ap na ineendorso niya si Mayor Sara Duterte na tumatakbong vice-president at running mate ni Bongbong para sa May 9 national elections.
May mga campaign materials kasi na naglabasan sa social media kung saan ginamit nga ang litrato at pangalan ng international singer-songwriter at record producer.
Makikita sa mga nasabing socmed post ang mga litrato ng Black Eyed Peas frontman na may logo ng UniTeam, ang partido nina Bongbong at Sara.
May mga Twitter user ang nag-tag kay Apl.de.ap o Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay ng mga nasabing photos at nagtatanong kung totoo ngang suportado niya ang pagtakbong pangulo ni BBM.
“Not me,” ang maikling reply ng international singer.
May isa pang Facebook post na sinagot si Apl.de.ap kung saan napasama siya sa listahan ng mga celebrities at showbiz personalities bilang supporters nina Bongbong at Sara.
“Country over party. Not endorsing any candidate,” ang tweet ng singer-composer.
Sagot naman sa kanya ng FB user, “Thank you for confirming this, it’s much appreciated. Just a heads up, it seems like a lookalike was hired by the Marcos Jr-Duterte campaign team to pose as you. Stay well.”
Kamakailan, sunud-sunod ang pagdedenay ng ilang celebrities at social media personalities tungkol sa kanilang political affiliation sa gitna ng mas umiinit pang usapin sa Eleksyon 2022.
Mariing pinabulaanan ng bandang Parokya ni Edgar pati na nina Zach Tabudlo at Vivien Ilagan ng Team Payaman ang lumabas na announcement sa socmed na magiging guest performers daw sila sa UniTeam rally.
Nauna rito, tinawag ding fake news ni Ai Ai delas Alas ang mga balitang isa na rin siyang “Kakampink,” o supporter ni Vice President Leni Robredo. Kasunod nga nito ang pagsampa ng Kapuso comedienne sa mga campaign rally ng UniTeam.
https://bandera.inquirer.net/289453/kc-apl-de-ap-nahuling-magka-date-sa-us
https://bandera.inquirer.net/306797/jake-sa-lahat-ng-boboto-sa-eleksyon-2022-be-loyal-to-the-country-and-not-to-politicians
https://bandera.inquirer.net/292306/kc-may-bonggang-pa-shoutout-para-kay-apl-de-ap-thank-you-for-always-inspiring-me