AJ Raval buong araw umiiyak matapos gawin ang mga sex scenes sa 4 na lalaki: Tapos tumakbo po ako sa friend ko... | Bandera

AJ Raval buong araw umiiyak matapos gawin ang mga sex scenes sa 4 na lalaki: Tapos tumakbo po ako sa friend ko…

Ervin Santiago |April 29,2022
facebook
share this

AJ Raval buong araw umiiyak matapos gawin ang mga sex scenes sa 4 na lalaki: Tapos tumakbo po ako sa friend ko…

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 09:17 AM

AJ Raval at Mark Anthony Fernandez

“IYAK ako nang iyak, tapos pumunta ako sa friend ko, wala lang basta umiiyak lang ako sa kanya!”

Iyan ang bahagi ng pahayag ng Vivamax sexy star na si AJ Raval tungkol sa isang pasabog na eksena niya sa pelikulang “Kaliwaan” kasama si Mark Anthony Fernandez.

Napanood na namin ang pelikula na idinirek ni Daniel Palacio at mula sa konsepto ng award-winning director na si Brillante Mendoza mula sa Viva Films sa ginanap na premiere night nito last Wednesday.

At isa nga sa nakakalokang eksena sa movie ay ang pambababoy ng karakter ni Mark Anthony kay AJ na gumaganap bilang spa attendant at masahista.

Actually, awang-awa kami sa dalaga habang pinanonood ang “Kaliwaan” dahil hindi lang si Mark ang nagpasasa sa kanya rito kundi pati na rin ang iba pang male character na ginagampanan nina Juami Guitierrez, Vince Rillon at Felix Roco.

Kaya naman natanong si AJ kung napagod ba siya sa dami ng sex scene niya sa pelikula, “Sa totoo lang po, yes po. Actually, meron pong pagkakataon na parang buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako.

“Tapos, nu’ng pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Lock-in kami nu’n, e.

“Tapos pumunta ako sa friend ko. Tapos pumunta lang ako dun, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak. Parang nadala ko po yung emosyon ng karakter,” pahayag ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Tungkol naman sa maselang eksena niya with Mark Anthony na siguradong ikaka-shock ng manonood, “Si Kuya Mark, hindi ko alam, aliw na aliw po ako sa kanya na katrabaho.

“Parang after nu’n, gusto ko na siyang maging tropa. Nakakaaliw po siya. Tapos, yung eksena po namin…very ano naman po siya, very professional. Saka yung mga restrictions, talagang nagtatanong siya kung hanggang saan puwede.

“Marespeto naman po siya sa mga eksena namin. At napakagaling. Magaling po si Kuya Mark,” aniya pa.

Samantala, nilinaw ni AJ ang chika na titigil na siya sa paghuhubad sa mga pelikula dahil babalik na siya sa pag-aaral, “Ay, hindi naman po. Actually, hindi po ito yung last ko. Ahhh, meron po akong naka-line up na Sitio Diablo kay Direk Roman (Perez) naman po.

“At yung pagpapaseksi naman po and showbiz, never ko naman po sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako.

“At yung pagpapa-sexy, gusto ko po siya, masaya po ako du’n. Never ko na pong bibitawan yung pagpapa-sexy. Siguro, parang bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon. Yun lang,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, “Never ko naman bibitiwan ang pagpapa-sexy. Siguro po gusto ko na lang po mag-prepare, mag-workout. Ang pagpapa-sexy naman po, gusto ko talaga siya. Natutuwa naman po ako kapag tinatawag akong ‘pantasya ng bayan.’

“Kung ngayon po, kung magpapa-sexy po ako, gusto ko po yung may meaning po talaga,” dagdag ni AJ.

Ito naman ang reaksyon ng sexy star nang mapanood ang buong pelikula na tinatawag na isang torture porn, “Ganito pala kaganda yung film! Kasali pala ako dito, sabi ko sa sarili ko!

“Kasi, nu’ng sinu-shoot namin yun, parang nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganun pala kaganda yung story saka yung, ayan, kung gaano kagaling sina Vince, sina Kuya Felix.

“Yung torture scene ni Vince, parang hihimatayin ako kanina! Talagang nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene. Kasi, ang ganda! Ang ganda ng story. Ang galing na aktor ni Vince!” chika ni AJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Kaliwaan” simula ngayong araw, April 29, sa Vivamax.

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Aiko umiiyak na nagpaalam sa Prima Donnas: Sabi ko sa inyo bumibigay na si Kendra…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending