Tutok to Win Partylist suportado ng celebrities, grand rally dinagsa

Tutok to Win Partylist suportado ng celebrities, grand rally dinagsa

NAYANIG ang distrito ng Sampaloc sa Maynila kagabi nang dumugin ng mga kilalang personalidad sa entertainment industry ang grand campaign rally ng Tutok to Win Partylist.

Hindi maitago ang labis na kasiyahan ng daan-daang supporters nang mistula silang manood ng live game show ni Willie ‘Kuya Wil’ Revierllame, ang nangungunang sumusuporta kay Tutok to Win first nominee Sam ‘SV’ Verzosa.

Ilan lamang sa nagbigay kasiyahan sa mga dumalo sa rally ay sina Bb. Pilipinas candidate Herlene Budol, stand-up comedienne Boobsie, at ang grupong Ex-Batallion.

Pag-amin ni Verzosa, ang co-founder ng internationally-known marketing group na Frontrow Philippines, si Revillame ang nag-impluwensiya sa kanya na ibalik sa mga nangangailangan ang mga natatamong biyaya.

“Ako ang lagi kong iniisip bukod sa huwag kang makakalimot sa pinanggalingan mo ay i-share mo kung anuman yung blessings na ibinigay sa ‘yo ng nasa Itaas,” sabi ni Verzosa.

Kasama pa sa dumalo sa rally ang ilan sa mga tao na patuloy na tinutulungan ni Verzosa.

 

 

“Nakita ko ang paglaki ni Sam, mabait siya kahit noong bata pa at likas na sa kanya ang pagiging matulungin,” ang pagbabahagi ni Remy Labid, ang kasalukuyang barangay secretary ng Barangay 130, ang lugar kung saan lumaki si Verzosa.

Sinabi naman ng walong-taong gulang na si Abcde dela Cruz, isa lang siya sa nabigyan ng suportang pinansiyal ni Verzosa, para makapagpatuloy sila sa pag-aaral kahit may pandemya.

“Sana po manalo siya (Verzosa) para mas marami pa siyang matulungan,” ani dela Cruz.

 

 

Pagbabahagi naman ni Verzosa na prayoridad ng Tutok to Win Partylist ang mabigyan ng sariling bahay ang mga mahihirap, maayos na mapangalagaan ang kalusugan nila, dekalidad na edukasyon at kabuhayan.

Sabi niya nadanasan niya paano maghirap at sa pag ikot-ikot nila sa ibat-ibang sulok ng bansa upang maghatid ng mga tulong ay mas namulat siya sa paghihirap ng maraming Filipino.

May kumpiyansang sinabi ni Verzosa na sakaling palarin sila na magkapuwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa unang araw pa lang nila ay isusulong na niya ang ‘sustainable community.’

Paliwanag niya, gagawin nila na sa isang komunidad at pamayanan ay may pabahay, may ospital, may eskuwelahan at may kabuhayan.

 

Other Stories:
Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

Partylist system binaboy na ng ilang pulitiko

Read more...