JK Labajo sa mga bumabanat sa Leni-Kiko Pasay rally: Imagination lang po namin lahat ‘yun

JK Labajo sa mga bumabanat sa Leni-Kiko Pasay rally: Imagination lang po namin lahat 'yun
MAY nakakatawang hirit ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo sa nagdaang Pasay campaign sortie nitong April 23 kung saan ipinagdiwang rin ng mga kakampinks ang kaarawan ni Vice President Leni Robredo.

Aniya, isa rin daw siyang kakampink pero wala daw talagang nagpunta sa Pasay rally.

“Kakampink po ako pero sa totoo lang wala po talagang pumunta dun sa Pasay. Imagination lang po namin lahat yun,” pang-aasar ni Juan Karlos sa kanyang Facebook post.

 

 

Ang kanyang pahayag ay may kaugnayan sa inilabas na statement ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa bilang ng mga dumalo sa NCR South birthday rally ni VP Leni.

Nauna na kasing ilabas na umabot sa 412,000 and crowd na dumalo sa naturang rally pero agad itong pinabulaanan ng pulisya.

“As to its entirety, the Leni-Kiko grand campaign rally was generally peaceful. It was attended to by an estimated crowd of more or less 70,000 to 80,000 supporters and volunteers if MOL (more or less) 300 cars, 15 buses, 100 motorcycles, and 15 PUJs (public utility jeepneys,” base sa pahayag ng NCRPO.

Bukod pa sa isang kakampink si Juan Karlos ay present rin siya sa naganap na rally kung saan kinanta niya ang kanyang hit song na “Buwan”.

Marami namang mga netizens ang nag-comment sa post ng dyowa ni Maureen Wroblewitz.

“Akala ko pa naman nakasalubong kita,” comment ni Mark Escueta, asawa ni Jolina Magdangal at vocalist ng Rivermaya.

 


Saad naman ng isang netizen, “Wala pong nag-attempt na sabayan si Juan Karlos dun sa mataas na part ng buwan. Guni-gunu lang po ng lahat yon.”

Biro naman ng isa, “Nag-MOA lang talaga mga tao. Nagkataon naka-pink lahat. Wala talaga nag-rally sa Pasay, wag kayo mag-alala. Para sa mental health ng mga stressed na stressed at kinakabahan na.”

Hindi naman ito ang kauna-unahang campaign sortie na dinaluhan ni Juan Karlos dahil bago pa man ang birthday rally ni VP Leni ay aktibo na siya sa pagkampanya sa kandidatura ng tambalang Robredo-Pangilinan.

Related Chika:
JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin

Maureen Wroblewitz ibinandera ang sikreto sa relasyon nila ni JK Labajo; idol na idol si Kathryn

Read more...