IPINAGTANGGOL ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang TV host-actress na si Toni Gonzaga laban sa mga patutsada ni Mocha Uson.
Sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” ay isa si Mocha sa mga naging topic ng talakayan nila ng kanyang co-host na si Romel Chika.
“Ito na naman si Aling Mocha, umeksena na naman. Nagbigay pa ng kanyang opisyal na pahayag na isang malaking sampal para kay Toni Gonzaga,” paninimula ng kolumnista.
Matatandaang nitong mga nagdaang araw ay nag-trending ang TV host-actress dahil sa kanyang statement na konting panahon na lang ay magbabalik na ang mga Marcos sa kanilang dating tahanan, ang Malacañang.
Marami ang umalma sa sinabi ni Toni,at sinabing hindi tahanan ng Marcos ang Malacanang dahil ito sy pag-aari ng mga Pilipino.
Isa na nga si Mocha Uson sa pumalag kay Toni.
Aniya, “Alam mo ma’am, hindi maganda ang sinasabi ninyo. Napaghahalataan na walang alam sa public service. Para sabihin mo na babalik sa Malacanang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin ho na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacanang noon. Paalala po, ang Malacanang ay pag-aari ng bawat Pilipino.”
Sa pamamagitan ng isang TikTok video, niresbakan ni Mocha si Toni na nakasama niya sa 2013 blockbuster movie na “Four Sisters and a Wedding” under Star Cinema.
Maki-chika: https://t.co/6DNkUYqP2Q pic.twitter.com/Ywdfw05SGJ
— Bandera (@banderaphl) April 21, 2022
Banat naman ni Cristy, “Alam mo itong si Mocha Uson, siya ang kapis sa kaalaman, hindi si Toni Gonzaga. Sino man po ang pinapalad na maging pangulo ng bayan, ang tawag po sa Malacanang ay official residence of the sitting president and his family, ganu’n po iyon. Ito po ang opisyal na tahanan ng pinalad at ng kanyang pamilya na maupo.”
Saad pa niya, wala naman daw sinabi si Toni na pagmamay-ari ng mga Marcos ang Malacanang.
“Ano tong sinasabi ni Mocha? Mahiya naman si Toni kasi ang Malacanang daw ay pagmamay-ari ng buong Pilipino, ng buong Pilipinas? Bakit sinabi ba ni Toni sa mga Marcos lang ang Malcanang?” pagpapatuloy ni Cristy.
@mochausonofficialAng Malacañang ay opisina hindi tahanan
Pinatutsadahan rin ng kolumnista ang iniendorsong kandidato ni Mocha na si Manila Mayor Isko Moreno.
“Ano ba ang gusto ni Mocha? Yung tatawid lang si Isko Moreno mula Maynila na tulay tapos nasa Malacanang na sila?” matapang na sabi ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Dapat alam mo Mocha Uson na personal na gusto ni PRRD [President Rodrigo Duterte] na pauwi-uwi siya ng Davao saka babalik ng Malakanyang. ‘Wag mong sabihin na opisina lamang ang Malakanyang. Official residence.”
Bukod sa pahayag ni Mocha laban kay Toni ay muling inungkat ni Cristy ang dating isyu ni Mocha ukol sa kung saan nga ba matatagpuan ang Bulkang Mayon.
Nag-viral kasi si Mocha noon nang sabihin niyang nasa Naga ang Mayon ngunit ang katotohanan ay matatagpuan ito sa probinsya ng Albay.
“Isang tanong lang bibitawan ka na amin. Nasan ba kasi ang Mayon Volcano?” natatawang sey ni Cristy.
Related Chika:
Mocha binanatan si Toni: Alam n’yo po Ma’m, napaghahalatang wala po kayong alam sa public service
Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!