Andrea Brillantes trending sa soc med, tumikim ng ‘mantika’: Sinabawang hotdog supremacy

Andrea Brillantes trending sa soc med, tumikim ng 'mantika': Sinabawang hotdog supremacy

TRENDING ngayon ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos ang kanyang appearance sa music video ng “Tahanan”.

Kasama ng aktres sa naturang video ang singer ng kanta na si Adie.

Bukod sa nakakakilig naman talaga ang chemistry ng dalawa, agad na nag-trending ang music video dahil sa tila pagtikim ni Andrea sa sabaw ng niluluto niyang hotdog.

Marami sa mga netizens ang nagulat dahil inakala nilang mantika ang tinikman ng aktres.

“Ganito pala mangyayari pag nag bf ng basketball player,” pabirong comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Set aside all the issues muna kay Andrea. Dito sa [music video] kinilig ako beeee AHAHAHAHA pwera [lang] sa humigop ng mantika.”

“Ang ganda ng mv nung Tahanan pero gusto ko lang itanong kay Andrea Brillantes kung bakit niya tinikman yung mantika sa niluluto niyang hotdog,” sey ng isang netizen.

Agad namang in-explain ni Blythe ang maling akala ng mga netizens patungkol sa video.

“Sinabawang hotdog supremacy. Tubig ‘yon hindi mantika,” pagkaklaro ni Andrea sa comment section ng kanyang post.

Maski ang direktor at producer ng music video na si Kris Ulrich Cazin ay naglabas ng pahayag at sinabing “intentional” ang pagtikim ni Andrea ng “sabaw” ng hotdog.

 

 

“Before taking the scene, originally tubig lang yung nakalagay para kumulo tapos makita lang na may usok for practical effects,” simula ng direktor.

Pagpapatuloy niya, “Ayoko na paglutuin si Blythe (Andrea) for safety reasons tapos nagulat na lang sila nag-chop ako ng hotdog tapos nilagay ko sa pan.”

Aniya, imbes na “sarap” daw ay “okay naman” ang nasa script dahil fan daw siya ng vlogger na si Ninong Ry.

“I just thought it looks dumb so I went for it.”

Sey pa niya, hindi naman talaga lahat ng babae ay marunong magluto at okay lang naman ‘yun.

“Ipagluluto ka pa rin niya kahit di siya marunong magluto. Slow mo pa rin ang pagtingin mo sa kanya. Mahal mo pa rin siya despite mukha siyang ewan na na umiinom ng sabaw ng hotdog.”

Related Chika:
Andrea nakapagpatayo ng pangarap na bahay hindi dahil sa pag-aartista kundi…

Pia sa netizen na nawalan na ng confidence dahil hindi pumapayat: You are beautiful!

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Read more...