MAY patutsada ang disc jockey na si Mo Twister kay Bongbong Marcos na kumakandidato sa pagkapangulo patungkol sa hindi nito pagdalo sa mga presidential debates.
Aniya, kaya naman daw hindi pumupunta sa mga debate ang presidential candidate ay dahil hindi pa raw nito nararanasan ang pumunta sa isang job interview.
“Bong Bong Marcos doesn’t want to go to debates because he’s never been to a job interview. He’s never been an employee. Never been an employer,” saad ni Mo Twister.
Dagdag pa niya, “Never been accountable. Never had to answer to anyone but his dictator father. So why would he go to a job interview for our country?”
Nag-ugat ang patutsada ng disc jockey matapos nitong i-retweet ang isang video clip ni Bongbong kung saan isang reporter ang nagtanong sa kanya kung may kakayanan ba siya na maging “good president” kung hindi ito dumadalo sa mga seryosong talakayan.
Sey ni Mo Twister, “At least he didn’t lie. He could have told the truth and said, “I can’t be trusted” but he didn’t. He evaded the question. At least he didn’t lie.”
Bong Bong Marcos doesn’t want to go to debates because he’s never been to a job interview. He’s never been an employee. Never been an employer. Never been accountable. Never had to answer to anyone but his dictator father. So why would he go to a job interview for our country?
— Mo Twister (@djmotwister) April 20, 2022
Matatandaan na tanging ang SMNI presidential debate lamang ang tanging dinaluhan ni Bongbong kung saan si Ka Leody de Guzman lang ang kanyang nakasama at hindi nakadalo sina Vice President Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Manila City Mayor Isko Moreno.
Nang tanungin naman siya noon kung bakit hindi siya dumadalo sa mga debates na idinadaos ng iba’t ibang organisasyon, sinabi niyang noon daw ay isa lang ang debate at ito ay organized by COMELEC.
“Ang dami-daming debate. Dati isa lang, Comelec. So ‘yon ang pupuntahan naming lahat. But if there’s so many debates, pare-pareho na ‘yong tanong, we are not getting anywhere anymore. And if it is going to be that way na pare-pareho na lang and then wala, the debate gets personal. What use is that to anyone?” sagot ni Bongbong.
Related Chika:
DJ Mo tinamaan din ng COVID-19, humingi ng tulong sa netizens; KimXi super pakilig sa V-day
Darryl Yap binanatan ang ‘high heels’ paandar ni VP Leni: Poor planning, wrong decision
Kasalang DJ Mo-Angelicopter sa Iceland mala-adventure movie ang mga eksena