BUMWELTA ang TV host-actress na si Kim Chiu matapos kwestiyunin ng mga netizens ang naging birthday greeting sa kanya ni Vice President Leni Robredo.
Agad kasing nag-trending ang video greeting matapos punahin ng netizen ang sinabi ni VP Leni na nasa “good place” na ang aktres.
“Kim, Happy happy birthday. Magkasunod pala birthday natin but I want to wish you a very happy birthday. I know that you are in a good place now,” ito ang eksaktong sinabi ng presidential candidate sa aktres.
Sa kanyang Twitter account ay sinagot niya ang netizen na nag-aakalang namatay na siya dahil sa sinabi ni VP Leni.
Saad ni Kim, “Wag ka nga! di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa.”
Chika ng aktres, naiintindihan naman daw niya ang ibig sabihin ni VP leni sa kanya na mukhang di na-gets ang mensahe.
“Ako kasi naintindihan ko,para sakin naman yung message.Ikaw ba?nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?. Bawas nega. Para angat buhay lahat. smile!” dagdag pa niya.
Wag ka nga! 🤪 di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko,para sakin naman yung message.Ikaw ba?nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?. Bawas nega. Para angat buhay lahat.💗smile!😁 https://t.co/FibGfrst80
— kim chiu (@prinsesachinita) April 21, 2022
Nagsimula ang isyu nang may isang netizen ang nag-post at sinabing parang “pinatay” ni VP Leni si Kim sa kanyang birthday greeting.
Sey ng netizen, “Bakit hindi tayo na-inform na deds na si Kim?”
Nilinaw naman ni Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan ang kahulugan ng message ng presidential candidate.
“I-correct lang natin si Mark dahil mali ang understanding niya ng ‘You are in a good place’.
“’You are in a good place’ is an idiomatic expression that means someone is confident, at content. Being in a good place means one’s mental state is at peace,” pag-eeksplika niya sa mwnsahe ni VP Leni kay Kim.
Pagpapatuloy niya, “Iba ito sa ‘You are in a better place’. Ito yung idiomatic expression na sinasabi sa taong namatay.”
Baka daw ang naaalala ng netizen sa message ni VP Leni kay Kim ay ang Netflix show na “The Good Place” na patungkol sa heaven ang kwento.
“Yun lang. Nawa’y may natutunan si Mark at yung mga nag-haha sa post niya against VP Leni.”
Related Chika:
Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!
Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo
#Anyare: Kim Chiu ipinamigay na ang mga damit na nakatambak sa walk-in closet