Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!

Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!

HINDI mapigilan ng Kapamilya star na si Kim Chiu ang maging emosyonal matapos siyang makatanggap ng birthday greeting mula kay Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi ng “Pinoy Big Brother” Teen Edition Big Winner ang video message sa kanya ng bise presidente na kasalukuyang tumatakbo bilang pangulo sa darating na May 9 elections.

“Gusto ko lang kunin ang pagkakataon sabihin sa ‘yo how inspiring your life has been for many people including myself. Sinusubaybayan ko ‘yung journey mo at ikaw ang pinakamaganang example nang pag-defy ng lahat ng odds,” pagbati ni VP Leni kay Kim.

Dagdag pa ng bise presidente, “At ‘yung kasikatan ay ginagamit para mag-influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserve it. Happy birthday!”

Chika ni Kim, kinumpleto ni VP Leni ang kanyang kaarawan dahil nagawa pa nitong isingit na batiin siya sa kabila nang napaka-busy nitong schedule sa paglilingkod sa bansa maging sa pangangampanya.

“OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!! Nakaka iyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba,” saad ni Kim.

 

 

Aniya, sobrang saludo siya kay VP Leni at lubos siyang nagpapasalamat dahil binigyan siya nito ng oras na batiin.

Pagpapatuloy ni Kim, “Grabe saludo po ako sa inyo maam and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka personal po ng message ninyo. Maraming maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po.”

Nagpasalamat rin si Kim sa lahat ng ginagawa ni VP Leni at nangako ito na kaisa siya sa laban nito para sa bansa.

“SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA NYO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT.

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo,” sey ni Kim.

Binati na rin ng dalaga si VP Leni na magse-celebrate rin ng kanyang kaarawan sa Sabado, April 23.

 

Related Chika:
Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022?

Kim Chiu hindi nakapagpigil sa bashers, nag-sorry sa mga animal lovers

Kim Chiu may dalawang pangarap bago sumali sa PBB

Read more...