AMINADO ang isa sa mga presidential candidate na si dating Defense Secretary Norberto Gonzales na wala silang intensyong i-call out si Vice President Leni Robredo na i-withdraw ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo.
Aniya, ang layunin lang naman talaga ng kanilang press conference ay para ipaalam sa publiko na anuman ang mangyari ay hindi sila aatras sa eleksyon.
“The intent of the conference is just to tell the public that despite the appeal to us of withdrawal, nobody is withdrawing,” saad ni Gonzales sa kanyang panayam sa “Headstart” sa ANC nitong Martes, April 19.
Aniya, baka raw na-carried away lang ang kanyang kapwa presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno nang manawagan siya sa bise presidente na umatras na sa pagtakbo.
‘I’M APOLOGIZING TO HER.’
Presidential candidate Norberto Gonzales apologized to VP Leni Robredo over the controversial press conference, admitting he felt “uncomfortable” when Manila Mayor Isko Moreno Domagoso called for her withdrawal from the race. https://t.co/BgiKVA5VSA pic.twitter.com/oMCULKUz7e
— Inquirer (@inquirerdotnet) April 19, 2022
Matatandaang nagkaroon siya ng joint press conference kasama sina Isko Moreno, Ping Lacson, Willie Ong, at Tito Sotto III upang i-anunsyo na hindi sila aatras sa pagtakbo ngayong eleksyon.
“There was no intention of asking the Vice President to withdraw. I think Mayor Isko might have been carried away… there was no agreement whatsoever that we will ask anyone to withdraw. Si Mayor Isko medyo natangay siguro sa sentiment,” dagdag pa ni Gonzales.
Nang tanungin naman siya sa pahayag na dapat ay palitan ang number 2 sa survey, nilinaw ng dating Defense secretary na ina-address lang nila ang publiko.
“I was actually addressing the public. The distance of survey between 1 and 2 is quite big. In a contest like this syempre tinitingnan mo na lang sa contest yung 1 and 2, nawawala na yung 3, 4, 5, 6– nawawala na sa eksena,” ani Gonzales.
Si Vice President Leni Robredo ang pumapangalawa sa survey sa mga tumatakbo bilang presidente ng bansa.
Gusto lang naman sana niya na i-point out ang mga posibilidad sa publiko para magbago ang kanilang perspective.
Humingi naman si Norberto Gonzales kay VP Leni ng paumanhin sa nangyari.
“If you meet the Vice President, tell her I’m sorry. Yes, I’m apologizing to her because what we need is something better after the elections.”
Other Stories:
Marcos-Sara o Sara-Marcos, walang epekto sa kandidatura ni VP Leni
Na kay VP Leni ang momentum para sa 2022