AYAW nang banggitin nina Mariel Rodriguez-Padilla at Ogie Diaz kung sino ‘yung senador na ayaw kay Robin Padilla at ang masakit pa ay kasama niya ito sa kanilang partido.
Ito ang isa sa topic nina Ogie at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa “Showbiz Update” YouTube channel nila na in-upload kaninang madaling araw.
Bungad ni Ogie, “Eto nga Loi, merong isang senador na nakikipagkaibigan kay Robin pero ayaw pala niya talaga kay Robin.
“At mukhang siya (Robin) ay inilalaglag. Ayaw ko nang banggitin kung sino ang senador na ito ‘no, at ang nakakaloka, kaanib pa niya doon sa kanyang piket,” sabi pa ng vlogger at talent manager.
Nang malaman namin kung sino ang senador na ito, ang masasabi lang namin, nu’ng nagsilbi siya sa bayan ay hindi siya naging tapat dahil ang ipinangako niya sa mga bumoto at nagpasuweldo sa kanya ay hindi niya tinupad lalo na nu’ng tumaas ang puwesto niya.
Sigurado kaming alam ito ni Robin at sa pagkakakilala namin sa aktor na matagal nang tumutulong sa kapwa lalo na sa industriya ng pelikula ay hindi niya papatulan ang senador, pero hindi niya malilimutan ang ginagawa sa kanya.
Pakiwari namin ay naiinggit ang kumakandidatong senador na ito dahil nasa top 6 si Robin base sa nakita naming survey ng Tugon ng Masa mula Abril 2-6.
Anyway, tulad ni Robin ay hindi rin papatulan ng asawa nitong si Mariel ang naturang senador base sa panayam ni Ogie.
“Right now nakakuha kami ng magandang survey, so nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal sa asawa ko saka sa mga naniniwala sa kanya and siyempre hindi natin maiwasan na may mga iba na gusto siyang i-out (ilaglag).
“Naku, matakot kayo sa Panginoon. Ang prayers ko talaga ngayon ay walang mangyaring dayaan sa darating na eleksyon at sana maging okay ang lahat,” pahayag ng wifey ni Robin.
Samantala, suportado ni Mariel ang kandidatura ni Aiko Melendez bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City at na-miss ng dating “PBB” host ang pag-perform sa entablado kaya naman kinanta niya ang viral TikTok video kung saan ginawan ng kanta ang tungkol sa nahulog na electric fan habang naka-Facebook live siya.
Say ni Mariel, “When I first saw sa social media na merong gumawa ng kanta nu’ng nahulog ang electric fan sobra akong na-flatter, sobra akong natuwa and ang ganda nu’ng song.
“Sobra akong natuwa sa song kaya naman nu’ng may pa-rally si Councilor Aiko kinanta ko, ang saya-saya nu’ng kanta sobra akong nag-enjoy. Sobrang nakakatuwa, super duper thank you doon sa gumawa ng kanta and nakaka-flatter pala ‘yung ganu’n na wala lang naman biglang naging kanta.”
Oo nga, baka maging katulad din ito ng “Bawal Lumabas” song ni Kim Chiu.
Anyway, naroon din sa campaign rally ni Aiko si Ogie para ikampanya kahit magkaiba sila ng susuportahang presidente ng Pilipinas sa Mayo 9.
https://bandera.inquirer.net/305095/kita-ni-mariel-sa-cooking-ina-meat-business-ginagastos-sa-kampanya-ni-robin
https://bandera.inquirer.net/289526/robin-umamin-kay-mariel-kung-kailan-huling-natukso-sa-babae-nagseselos-sa-steak-ng-asawa
https://bandera.inquirer.net/291622/mariel-rodriguez-masaya-pa-rin-ba-bilang-asawa-ni-robin-padilla