NAG-TRENDING ang mag-asawang sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez noong mga nakaraang araw matapos umugong ang balitang hiwalay na sila.
Nagsimula ito nang mapansin ng ilbang netizens ang tila pagbura ng hugot singer ng kanyang apelidong “Hernandez” sa personal Facebook account.
Ayon pa sa mga matanglawing “Marites” ay in-unfollow rin ni Moira ang asawa sa TikTok at may mga larawan rin sila sa Instagram na nawala.
Kaya naman hindi na kataka-taka kung isa sila sa mga napag-usapan nila Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” vlog.
Ayon sa source ng talent manager, nagkatampuhan raw sina Moira at Jason.
“Ang sabi nga ng source ko, may tampuhan lang yung dalawa at normal lang daw yun. So ‘yung tampuhan, confirmed na may tampuhan,” pagbabahagi ni Ogie.
Aniya, baka naman daw hindi nag-delete si Moura bagkus nag-archive lang dahil na rin sa bugso ng damdamin na dulot ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
“So may mga ganyan na delete-delete muna o archive-archive muna,” dagdag pa nito.
Samantala, nagsalita na rin si Jason at pinabulaanan ang mga isyu sa pagitan nila ng asawang si Moira.
Sa kanyang Twitter, inihayag niya na maayos ang pagsasama nila at nananaili silang kasal.
“1. We’re still married. 2. Hindi nangaliwa si Moira. 3. We both support Ms. Leni. 4. Walang nagnakawan ng pera. 5. God is good,” sey ni Jason.
1. We’re still married
2. Hindi nangaliwa si Moira
3. We both support Ms. Leni 💕
4. Walang nag nakawan ng pera
5. God is good— Jason Marvin (@jasonmarvinph) April 16, 2022
Samantala, juicy rin ang chika ni Tita Jegs kung bakit wala pa ring anak ang mag-asawa.
“Ang alam ko kailangan munang mag-diet ni Moira. Yun ang sabi ng source ko,” chika ni Tita Jegs.
Tingin naman ni Ogie ay baka ini-enjoy lang ng mag-asawa ang moments nila together.
Sa ngayon naman ay nasa Singapore si Moira kasama ang kaibigang si Mimiyuuuh.
Related Chika:
Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez
Hiwalayang Moira-Jason ‘fake news’ daw: Let’s stop spreading the issue