LUMIKHA na naman ng kontrobersya ang bagong pasabog ng TV host-actress na si Toni Gonzaga para sa kandidatura ni presidential candidate Bongbong Marcos.
Nabugbog na naman nang bonggang-bongga ang asawa ng film producer at direktor na si Paul Soriano nang muling sumampa sa stage para sa UniTeam rally sa Cebu City kahapon.
Pero in fairness, marami rin namang nagtanggol kay Toni, kabilang na ang mga loyalista at bagong supporters ni former Sen. Bongbong na siya pa ring nangunguna sa mga survey.
Nag-ugat ang muling pambabatikos kay Toni nang ipagsigawan niya sa lahat ng sumugod at dumalo sa campaign rally ni Bongbong at ng running mate nitong si Mayor Sara Duterte na malapit nang bumalik sa Malacañang ang anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos.
Matapos niyang kantahin sa harap ng mga Cebuano ang kantang “Roar” na naging signature song na niya sa mga UniTeam rally, talagang matapang niyang sinabi na, “Konting konting panahon nalang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan — ang Malacañang.”
Maraming nag-react sa sinabi ng aktres, kabilang na ang mga supporters nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing kahit kailan daw ay hindi naging tahanan ni Bongbong ang Palasyo ng Malacañang.
Nagkakaisa sila sa pagsasabing ang Palasyo ay pag-aari ng Pilipinas at ng sambayanang Filipino at hindi para sa isang politiko lamang. Sinabihan pa nila si Toni na tumigil na ito sa kanyang ilusyon dahil wala namang naniniwala sa mga pinasasabi niya.
Ngunit kabaligtaran nga nito ang sinasabi ng mga tagasuporta ni BBM dahil tama naman daw ang mga binitiwang salita ni Toni, patunay nga rito ang pagiging number one lagi ni Bongbong sa mga presidential survey.
Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa sinabi ni Toni patungkol kay BBM.
“Ms Gonzaga, as Christian as you profess to be. It is appalling that you are propagating false information (not just propagating but advocating falsehood) malacanang is NOT a tahanan of anyone. It is owned by the Philippine Government. So please shun falsehood and speak the truth!!!”
“Malacañang belongs to the people of the Philippines and is not, and will never be, an exclusive property of the Marcoses. Sorry, but this statement of yours can’t be filed under the ‘respect my opinion’ category.”
“It isn’t a home (tahanan as you’ve said) where you chill and enjoy the perks of being the President but it’s an office for someone employed in the highest position of the Republic. A place to work, a place to function.”
“God forbid what toni is saying. May she be enlightened from callousness of heart and apathy for the victims of marcos tyranny and corruption. May her soul see the light about the truth.”
“Waiting is long and it may end in frustration. Do not be so sure because God providence may fall on the other candidate, who is not only God loving but also law abiding. Open your eyes to what is obvious. This is a battle of good against evil; of truth vs a ton of lies. You may be on the wrong side of history. Sayang, you are so brilliant but blind. #kakampinks.”
“Toni, May the Lord God bless you with wisdom and discernment so you will know the truth and you will avoid spreading lies or misinformation that deceives other people. Malacañang is not a home for one family, it is owned by Filipino people.”
Masasabing unang nakapasok at nanirahan si Bongbong sa Malacañang noong maging Pangulo ng bansa ang kanyang amang si Ferdinand Marcos na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986.
https://bandera.inquirer.net/308830/karen-sa-chikang-ineendorso-si-bongbong-marcos-im-not-campaigning-for-any-candidate-trabaho-po-ito
https://bandera.inquirer.net/303396/lucy-torres-may-malalim-na-hugot-nanindigan-sa-pagkampi-kay-bongbong-marcos
https://bandera.inquirer.net/297338/john-lloyd-balik-telebisyon-na-napakalaking-bagay-ho-na-nakahanap-kami-ng-tahanan-sa-gma