Kilalang sexy star umatras sa isang project dahil sa dyowang aktor na sobrang seloso

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino ang bida sa blind item na ito?

SELOSO ang kilalang aktor na boyfriend umano ngayon ng isang kontrobersyal na sexy star.

Hindi pa sila umaamin at naniniwala ang nasa likod ng movie production na kaya hindi tinanggap ng aktres ang isang pelikula ay dahil pinagseselosan nito ang aktor na nakasama ng huli sa launching movie niya na kumita at maganda ang reviews.

Ang aktor na pinagseselosan ay guwapo, magaling umarte, matangkad at sa launching movie ng sexy star ay matitindi ang love scenes nila lalo’t nag-topless pa roon ang dalaga.

Naisip namin, baka ayaw ng rumored boyfriend ng sexy star na muli silang magtambal ng aktor dahil maganda ang chemistry nila at na-link din sila pero hindi nagtagumpay dahil ang aktor na kapartner ay loyal sa kanyang karelasyon.

Anyway, naamoy din naming crush kasi ng sexy star ang nakatambal niyang aktor at posibleng naikuwento niya ito sa rumored boyfriend niyang aktor din kaya siguro mega selos ang guy.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin lantad ang relasyon ng aktor at ng sexy star dahil may mga inaayos pa silang problema at kapag naayos na raw ito ay nangako ang dalaga sa pamilya niya na aamin na sila sa publiko.

Ang aktor na boyfriend ni sexy star ay walang project ngayon dahil namimili raw na raw ito ng trabaho at balitang hindi siya tumatanggap ng supporting roles dahil ang katwiran niya ay pambida lang siya.

Hmmmm, e, bakit kaya hindi na lang si sexy star at ang boyfriend nitong aktor ang magtambal sa pelikula para kahit maseselan ang mga eksenang ipagawa sa kanila ay keri lang dahil magdyowa naman sila?

‘Yun nga lang, sabi sa amin ng isang mataray na direktor, “Mag-acting workshop muna silang pareho.”

https://bandera.inquirer.net/297944/kilalang-aktres-pinagbawalang-magkuwento-tungkol-sa-negosyanteng-dyowa

https://bandera.inquirer.net/310642/christine-bermas-ayaw-panoorin-ang-sarili-habang-nakikipag-sex-sa-pelikuka-nasigawan-din-ni-joel-lamangan

https://bandera.inquirer.net/279436/sb19-trending-uli-sa-socmed-kahit-naka-quarantine-bagong-music-video-viral-na

 

Read more...