Reunion ng 2NE1 sa Coachella No. 1 top trending topic sa Twitter; iconic hairstyle ni Sandara Park agaw-eksena
TUWANG-TUWA ang loyal fans ng dating K-Pop group na 2NE1 matapos ang kanilang bonggang reunion sa Coachella nitong nagdaang Sabado, April 16 (US time).
Kasabay nito, naaliw din ang Filipino supporters ng nabuwag na Korean girl group dahil sa iconic 2NE1 hairstyle ng isa sa mga miyembro nilang si Sandara Park.
In fairness, hanggang ngayon ay love na love pa rin ng mga Pinoy si Sandara dahil hindi pa rin nito nakakalimutan ang Pilipinas na unang naging tahanan niya bilang isang artista.
Kaya naman nagpiyesta ang mga tagasuporta ni Sandara at ng 2NE1 nang magkaroon ng surprise performance ang grupo sa set ng 88Rising.
Kinanta ng 2NE1 at hit song nilang “I Am The Best,” na hit na hit pa rin sa kanilang mga fans na napa-throwback pa nga dahil muli nilang nakita ang original 2NE1 looks.
View this post on Instagram
Kabilang na rito si Sandara with faux hawk style from their “I Am The Best” music video.
Kung hindi kami nagkakamali, 2NE1 ang ikalawang K-Pop girl group na nag-perform sa Coachella. Ang una ay ang BLACKPINK noong 2019.
Ang muling pagsasama-sama nina Sandara o Dara, CL, Park Bom at Minzy, sa Coachella ay ang unang live performance nila mula nang ma-disband noong 2016.
Matapos ang kanilang surprise reunion production number sa nasabing music event, naging number one trending topic agad sa Twitter ang 2NE1.
Pinusuan at ni-like naman ng mga netizens ang ilang litrato na ipinost ni Sandara sa Instagram account kung saan ibinandera nga niya ang kanyang iconic 2NE1 hairstyle.
“Hey Coachella~!!! Who’s the best?” ani Sandara sa caption.
Narito naman ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa social media mula sa mga die hard fans ng Korean group.
“2NE1 sang just one song at #Coachella2022 but damn they made headlines here and there! People missed them so much after 7 years.”
“2NE1 you will always be famous and the best performers, always.”
Nagkomento naman ang aktres at fellow contestant ni Sandara noon sa “Star Circle Quest” (SCQ) na si Melissa Ricks sa buhok ng K-Pop idol.
“Krung! Grabehan un spraynet! San nakakabili niyan! Super Happy to see 2ne1!” mensahe ni Melissa.
Nag-comment din ang Korean-American singer na si Joon Park sa post ni Sandara, “I think your hair is excited LOL! Let’s Go! BBBAAAMMM!!!”
Nagsimula ang career ng 2NE1 bilang K-Pop girl group noong 2009 under YG Entertainment. Ilan sa mga hit songs nila ay ang “Fire”, “I Don’t Care”, “I Am the Best,” at “Don’t Cry.”
Ngunit noong November, 2016, inihayag ng YG Entertainment ang pagkabuwag ng grupo.
https://bandera.inquirer.net/301485/wish-ni-sandara-park-ngayong-pasko-sana-makabalik-uli-ng-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/308591/reunion-movie-nina-james-reid-at-nadine-lustre-imposibleng-mangyari-ngayong-2022
https://bandera.inquirer.net/279503/sharon-sinumbong-si-maricel-sa-madlang-pipol-game-pa-rin-sa-reunion-movie-nila-ni-gabby
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.