Gerald Anderson sinorpresa ng motor ang personal assistant

Gerald Anderson sinorpresa ng motor ang personal assistant

TINUPAD ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang matagal nang pangarap ng kanyang personal assistant na si Jalal Laidan na magkaroon ng sarili niyang motorsiklo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang sinusorpresa niya si Jalal na kasalukuyang nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“So birthday ni ‘anak ng sultan’ na si Jalal tapos ngayon ay isu-surprise natin siya. Matagal na niyang pangarap ‘yan so pagbibigyan naman natin siya,” saad ni Gerald sa video.

Labis naman ang tuwa ng kanyang personal assistant at itinuturing na kapatid nang makita niya ang sorpresa sa kanya ng aktor.

Makikita sa video na niyakap yakap niya pa si Gerald at tila hindi makapaniwala na may bago na siyang motorsiklo.

Agad namang sinubukan ni Jalal ang bagong motor paikot sa kanilang village.

Marami ring bumati sa “anak ng sultan” gaya nina Yam Concepcion, Gab Lagman, at Jake Ejercito.

“Nice one lal! Congrats bro well deserved!” saad ni Gab.

Sey naman ni Yam, “Love it!!! Happy birthday brother!!!”

“Papractice ako dyan! Happy birthday brother,” comment naman ni Jake.

Nag-post rin si Jalal sa kanyang Instagram account ng larawan niya habang nakasakay sa regalong motor ni Gerald.

“Marami salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss my brother,” pagpapasalamat niya sa aktor.

 

 

Matatandaang naka-chikahan na noon nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal si Jalal sa “Magandang Buhay” nang bisitahin nila ang bagong gym ni Gerald.

Pag-amin ng empleyado ng aktor, malaking tulong ang pagiging parte ng aktor sa buhay niya dahil dati ay patambay-tambay lamang siya.

 

Related Chika:
Gerald: Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko, pero maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot…

Gerald Anderson ‘totropahin’ si Alexa Ilacad: Baby girl ‘yun!

Gerald Anderson nagpaabot ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette

Read more...