NANINIWALA si Boy Abunda na hindi kailanman dapat makaapekto sa pagkakaibigan ng mga tao ang magkibang pinaniniwalaan.
Sa kanyang TikTok video na inilabas nitong April 14 ay nag-payo ang King of Talk na bagama’t mainit ang isyu ng eleksyon ay hindi it dapat makasira ng friendship sa ibang tao.
“Para sa akin, opinyon ko lamang ito. It is not right to unfriend someone simply because that someone is voting for a different candidate… Kasi that’s precisely what election is all about. This is all about democracy, iba’t iba ang pinipili natin,” saad ni Tito Boy.
Aniya, hindi daw niya maintindihan ang konsepto ng dahil lang sa magkaibang pananaw sa politika at pagkakaiba ng choice sa kandidato ay isasakripisyo na ang pagkakaibigan nila sa ibang tao.
@therealboyabunda Don’t unfriend someone just because you have different choices. #BoyAbunda ♬ Lofi Hip Hop Lofi(858787) – Enokido
Dagdag pa ni Tito Boy, “Kasi matatapos ang eleksyon saan mapupunta ang ating pagkakaibigan? Some friendships have been built over the years. Alam ko mainit ang panahon, mainit ang eleksyong ito. May mga pinaninindigan tayo pero ‘wag din natin kalimutan na may mga relasyon, may mga pagiging magkaibigan na mahalaga.”
Naging talamak kasi ang insidenteng pag-a-unfriend at pag-a-unfollow ng mga tao sa social media ngayon na ang madalas na dahilan ay ang hindi pagkakaparehas ng mga sinusuportahang kandidatura.
Payo pa ni Tito Boy, sana raw ay pag-isipang maigi ng mga tao ang kanilang mga desisyon bago sila mang-unfriend ng kaibigan dahil mahirap nang ibalik muli ang mga nasirang samahan dahil lang sa magkakaibang pinipiling kandidato.
“Dadaan ang eleksyon pero ang ating mga relasyon ay mananatili so be cautious, be careful. Think about it reallycarefully. Value your friends as we value our candidates para mas masaya ang buhay.”
Hirit pa ni Tito Boy, “Let’s learn how to live with our differences. Hindi nangangahulugan na dahil magkakaibigan tayo ay dapat pareho lahat ang ating pananaw. We can have different choices and remain very good friends.
“So don’t unfriend anyone just because you have two different choices of candidates.”
Related Chika:
Boy Abunda tatakbo nga bang senador sa Eleksyon 2022?
Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?
Lolit Solis sinabing hayaan na lang si Kris sa choice niya: Basta boto tayo, karapatan natin iyan