HINDI na nakapagpigil ang director-musician na si Gab Valenciano sa mga patuloy na namba-bash sa kanya sa social media.
Ibinahagi ng binata ang screenshot ng reply sa kanya ng basher sa kanyang Twitter account.
“Ano pa inaantay mo brod kung makapuna ka kay tatay digs wagas… pakamatay ka na… di na kaya ng depression mo eh,” saad ng basher kay Gab.
Sagot naman ng binata, “this is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you.”
Ani Gab, hindi kailanman mangyayari ang gusto ng basher na magpakamatay siya dahil mayroon siyang maayos na support system na nagmamahal sa kanya.
“I have a beautiful family, support system, and a God who loves me. Not my fault you’re miserable.”
This is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you. I have a beautiful family, support system and a God who loves me. Not my fault you’re miserable. pic.twitter.com/rfKRbiTRuN
— Gabriel Valenciano (@gabvalenciano) April 15, 2022
Hindi na bago kay Gab ang mga natatanggap na pamba-bash araw-araw na nagsimula buhat nang magpakita siya ng suporta kina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na parehong tumatakbo para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Pag-amin niya, nakayanan na raw niya na huwag nang pansinin ang mga ganitong comments pero hindi lahat ay katulad niya.
“What about people who aren’t strong enough? Who may not have the support system I do? What a sad and dangerous reality. No wonder suicide and depression cases are at an all time high,” pagbabahagi ni Gab.
Pagpapatuloy niya, “Filipinos used to be warm, loving, hospitable, and caring. Where did we lose our way? What happened to us?”
Bumuhos naman ang mga messages of support ng mga netizens para kay Gab matapos ang kanyang ibinahaging tweet.
“They can’t raise their candidate up, so they choose to bring others down. Hang on, Gab. You’re a good person & you’re using your talents for good. When my son saw you perform and met you in Bacolod, he said: mama i want to be like him, an influencer for good,” saad ng isang netizen.
Reply naman ng isa, “To wish someone to die is a different kind of low. Hope you stay strong and kind. True to your words, it’s not your fault if he’s miserable. Si God na bahala sa kanya.”
“This is not new, Gab. Jesus was hated even by his own people. There will always be this kind of people, but rejoice because you are not of them. You are blessed with a lot of things. They are angry because you are what they are not and could never be. We [love] you!” sey ng isa pang netizen.
Nagpasalamat naman ang binata sa lahat ng mga nagbigay sa kanya ng suporta pero nilinaw niya na hindi lang tungkol sa kanya ang post kundi para rin sa ibang mga taong nakakaramdam ng lungkot at walang maayos na support system.
“We must stand up and fight for the defenseless, for the vulnerable and make a stand because right now, more than the pandemic, mental health is an issue we must not take lightly,” lahad ni Gab.
Sa ngayon naman ay suspendido na ang Twitter account ng basher matapos itong pagtulungang i-report ng mga netizens.
Related Chika:
Gary, Angeli nagbabala sa mga nambu-bully kay Gab sa socmed: Pease stop bashing our son, God bless you
Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili
Gab kinarir ang pagpapaganda ng katawan: I hated what I saw in the mirror…so I chose to fight